GB Sampedro hindi ipinapanood sa asawa ang mga ginagawang sexy movies, bakit kaya? | Bandera

GB Sampedro hindi ipinapanood sa asawa ang mga ginagawang sexy movies, bakit kaya?

Reggee Bonoan |June 03,2022
facebook
share this

GB Sampedro hindi ipinapanood sa asawa ang mga ginagawang sexy movies, bakit kaya?

Reggee Bonoan - June 03, 2022 - 05:10 PM

GB Sampedro hindi ipinapanood sa asawa ang mga ginagawang sexy movies, bakit kaya?

‘Direk, bakit ang sungit mong tingnan sa stage? Masyado kang pormal,” birong tanong namin kay Direk Gb Sampedro sa solo naming panayam pagkatapos ng presscon ng Vivamax series na “High on Sex” na mapapanood na simula sa Hunyo 5, Linggo.

Natawa ang direktor sabay fist bump bilang pagbati na matagal na rin naming hindi siya nabibiro.

Anyway, tinanong namin ng diretso si direk Gb sa isyung may mga nagreklamong magulang ng mga estudyante sa pamunuan ng eskuwelahang pinag-syutingan ng “High on Sex” dahil nakaka-apekto raw ito sa mga mag-aaral na ang pinapasukan pala nilang school na napapanood ng publiko ay pinagsyu-syutingan ng sex series/movies ng Viva.

“Actually, second time na naming mag-shoot sa school na ‘yun at iniba nga namin ‘yung name kung makikita naman sa unang shoot (Doblado).

“Itong High on Sex, hindi ako ang personal na kausap kundi ‘yung staff ko at ipinaalam naman na magso-shoot kami ng sexy series, so pumayag naman ‘yung kausap sa school.

“Tinanong naman kami kung anong mga eksenang kukunan sinabi naman namin na may sexy scenes, ‘yung staff ko,” paliwanag ni direk Gb.

Nabanggit din namin na kaya siguro nag-react din ang ilang magulang ng mga estudyante ay dahil may eksenang kinunan sa loob ng school katulad ng library na inisip na baka puwedeng gawin nga ito ng mga mag-aaral.

“Ang understanding ko diyan ay allowed kaming mag-shoot kasi nga inupahan namin ‘yung lugar, saka nag-thank you naman sila (pamunuan ng school) after,” sabi ng direktor.

Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat ang buong team ng Five2Seven Entertainment Production in behalf of Viva Films dahil sa magandang accommodation sa kanila ng nasabing eskuwelahan dahil smooth ang entire shoot ng “High on Sex” na pinagbibidahan nina Denise Esteban, Kat Dovey, Migs Almendras, Angela Morena at Wilbert Ross.

Samantala, binalikan namin ang tanong namin kay direk Gb thru chat noon sa virtual mediacon ng “Doblado” kung anong reaksyon ng maganda niyang misis sa mga pelikulang ginagawa niya dahil kilala namin ang direktor na konserbatibo, rom-com, action-drama at concerts ang mga idinidirek niya kaya paano siya napunta sa sexy films?

Natawa si direk Gb, “oo nga ‘no, hindi ko nasagot. ‘Yung wife ko naman alam niyang trabaho lang lahat saka may tiwala naman siya sa akin. Kilala naman niya ako. Hindi naman nagseselos ‘yun.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gb Sampedro (@gbsampedro)

 

‘Pinapanood ba ni wife yang mga sexy movies mo, direk?’

“Ay hindi! Hindi ko siya in-allow para wala ng pag-uusapan. Pag kaming dalawa iba ang pinapanood namin,” sambit ng direktor.

‘Sure ka direk na hindi nanonood si misis? Baka pag wala ka watch siya?’ pangungulit namin.

“Puwede, hindi naman siya nagsasabi, baka nga kasi may mga kaibigan din siya na posibleng padalhan ng mga (litrato),” natawang banggit din ni direk Gb.

Mahusay na dermatologist ang asawa ni direk Gb pero hindi niya ito ini-involve sa showbiz career niya for privacy purposes.

Going back to “High on Sex” ay mapapanood na ang 8-part series simula sa Hunyo 5 sa Vivamax at alamin kung makaka-relate kayo sa bawa’t kuwento ng mga bida pagdating sa unang karanasan nila sa sex during their high school/college days.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Direk GB Sampedro walang reklamo sa titulong ‘High On Sex’: Dapat nag-e-evolve rin ang market, gumawa tayo ng iba

Hashtag Wilbert Ross wala nang hiya-hiya sa paghuhubad: Yung stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa du’n

GB Sampedro sa mga idinidirek na sexy stars: Iginagalang ko ang pagkatao ng mga artistang dumadaan sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending