Sex scenes nina Jela Cuenca at Wilbert Ross sa 'Patay Kang Manyak Ka' nakakaloka, nakakatawa | Bandera

Sex scenes nina Jela Cuenca at Wilbert Ross sa ‘Patay Kang Manyak Ka’ nakakaloka, nakakatawa

Ervin Santiago |September 25,2022
facebook
share this

Sex scenes nina Jela Cuenca at Wilbert Ross sa ‘Patay Kang Manyak Ka’ nakakaloka, nakakatawa

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 09:52 AM

Wilbert Ross at Jela Cuenca

IN fairness, kapag nabigyan din ng bonggang project ang sexy actress na si Jela Cuenca, sigurado kaming lelebel din siya sa mga nagrereyna ngayon sa Vivamax.

Isa si Jela sa mga super busy na talents ng Viva Artists Agency dahil nagsunud-sunod nga ang mga proyekto niya kaya naman siya ang bumabandera sa number one streaming app sa bansa.

Last Friday, September 23, ipinalabas na ang latest movie niyang ”5-in-1 Patay Kang Manyak Ka” kasama sina Wilbert Ross, Ava Mendez, Angela Morena at Rose Van Ginkle, sa direksyon ni GB Sampedro.

Sa darating na September 30, ipalalabas naman ang “Girl Friday” with with Angeli Khang and Jay Manalo, directed by Joel Lamangan at susundan pa ito ng “Pabuya” na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Franki Russell, directed by Phil Giordano na mapapanood na sa Vivamax simula sa October 7. 

Sa darating na October 14 naman ipalalabas ang “Relyebo” kasama sina Christine Bermas at Sean de Guzman, sa direksyon ni Cris Aquino. 

Sa naganap na private screening at mediacon ng “5-in-1 Patay Kang Manyak Ka”, natanong si Jela kung hindi ba siya takot na ma- overexpose o pagsawaan agad ng manoonood.

“When I was shooting these movies, hindi ko naman po alam na sunod-sunod ang magiging pagpapalabas sa kanila.

“E, ako naman, basta trabaho lang nang trabaho. Natutuwa nga akong hindi ako nababakante at sunod-sunod ang projects na ibinibigay ng Viva sa akin kasi tumutulong ako sa family ko,” katwiran ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by jela cuenca (@jelacuenca)


Dagdag ni Jela, hindi naman daw siya nahirapang mag-portray ng iba’t ibang karakter kahit sabay-sabay niya itong ginagawa.

“Hindi naman po. Kung minsan, lagari nga ako sa mga shooting, so I have to keep on reminding myself kung sino ang ginagampanan kong character sa isu-shoot ko that day. Iba-iba naman po ang characters ko. 

“Sa ‘5-in-1’, I play Lana Rose, isa sa limang babaeng pinagsasabay-sabay ni WIlbert Ross na isang successful businessman dito. Nang bigla siyang mamatay, yung sister niyang madre, hinanap kung sino sa aming lima ang higit na karapat dapat to inherit his businesses,” sabi pa ni Jela.

Napanood na namin ang “5-in-1” at talaga namang kering-keri na ni Jela ang maging leading lady. Patok sa amin ang tambalan nila ni Wilbert at maganda ang chemistry nila on screen at in fairness, hindi bastos o malaswa ang mga sex scenes nila, kundi nakakatawa pa nga. 

Ang subtitle ng movie nila ni Wilbert ay “Patay Kang Manyak Ka” kaya natanong din siya kung nabiktima na ba siya ng manyakis at may naging dyowa na ba siya na manloloko o two-timer.

“Tungkol po du’n sa manyak, hindi ko pa na-experience kasi hindi po ako mahilig lumabas-labas. 

“Usually bahay-trabaho lang ako. About yung boyfriend na nangangaliwa, may nahuli ako noong may iba palang karelasyon bukod sa akin, so binitiwan ko siya agad. Ayoko nga noong may kahati at pinagsasabay kami,” sabi pa ni Jela.

Sa isa pa niyang pelikula sa Vivamax na “Girl Friday” isa naman siyang battered wife, may pagkakataon na bang sinaktan siya ng naging dyowa niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ay no, never. Kasi I won’t tolerate it. Nakita ko how my father used to hurt my mother kaya hiniwalayan siya. Noon pa, sinabi ko nang hindi ako papayag. Oras na saktan ako, hiwalay agad! Better to separate na lang,” mabilis na sagot ni Jela.

‘Bombshell’ ng Viva na si Jela Cuenca hindi pumapatol sa mga bastos sa socmed; ‘type’ si Maui Taylor

Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad

‘Bombshell’ ng Viva na si Jela Cuenca hindi pumapatol sa mga bastos sa socmed; ‘type’ si Maui Taylor

Nanay ng sexy star na si Jela Cuenca binubugbog noon ng asawa: Sana huwag akong magaya sa kanya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending