Adrian Alandy, Denise Esteban game na game sa iba't ibang posisyon sa sex: Napakahirap talagang itawid... | Bandera

Adrian Alandy, Denise Esteban game na game sa iba’t ibang posisyon sa sex: Napakahirap talagang itawid…

Ervin Santiago |October 30,2022
facebook
share this

Adrian Alandy, Denise Esteban game na game sa iba’t ibang posisyon sa sex: Napakahirap talagang itawid…

Ervin Santiago - October 30, 2022 - 11:54 AM

Adrian Alandy, Denise Esteban game na game sa iba't ibang posisyon sa sex: Napakahirap talagang itawid...

Denise Esteban at Adrian Alandy

NAKAKALOKA ang mga sex scenes ni Adrian Alandy at ng baguhang sexy star na si Denise Esteban sa pinakabagong offering ng Vivamax, ang psychological-thriller na “Kara Krus.”

Siguradong pag-uusapan na naman ang latest Vivamax Original movie na tumatalakay sa dalawang babaeng magkamukha ngunit magkaibang-magkaiba ang ugali pero parehong malalagay sa panganib ang buhay.

Ibang-ibang Adrian Alandy na naman ang mapapanood sa “Kara Krus” na unang napasabak sa hubaran at churvahan sa Vivamax movies na “My Husband, My Lover” na sinundan pa ng “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili”.

“First time ko to work with Denise and we play husband and wife in the story.

“When I met her on the set, I asked her how old is she and she said, 20. So I wondered kung bagay ba kami kasi I’m 42, so malaki ang age gap namin.

“But they say, hindi naman daw halata on screen, so sabi ko, sige, let’s give it a go,” kuwento ni Adrian na nalilinya na nga ngayon sa mga sex-drama films.

Sabi pa ng aktor tungkol sa working relationship nila ni Denise, “Dapat maganda ang communication namin para makita nila on screen na we have good rapport in front of the camera.

“So nagkuwentuhan kami, I tried to know more about her, kasi it’s important na we’re comfortable with each other, lalo na when we’re doing our sexy love scenes,” chika pa ni Adrian.

Inamin ng aktor na na-challenge sila sa mga love scenes nila ni Denise, “Kasi iba-ibang positions ang pina-attempt ni Direk GB Sampedro na gawin namin.

“Multiple camera set ups ang involved and after a while, sabi namin, hindi namin magawa yung ibang positions. Napakahirap talagang itawid,” sabi pa ni Adrian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Denise Esteban (@deniseesteban_)


Sa tanong kung hindi ba nagseselos ang asawa niyang si Joselle Fernandez, sa mga ginagawa niyang paghuhubad at love scenes sa mga pelikula ng Vivamax, “Hindi naman. Artista na ako when we met and she understands my work.

“She knows this is just part of my job as an actor and I’m just being professional in doing sexy love scenes with my co-stars,” sabi pa ni Adrian.

Iikot ang kuwento ng “Kara Krus” kay Adela, isang butihing maybahay at ma masayang pamilya. Kasal siya kay Marvin na isang mabait at responsableng mister.

Subalit ang kanilang tahimik na pagsasama ay guguluhin ng pinaniniwalaan nyang kakambal na si Lena. Kung saan makikita ang kaibahan nito ng dalawa, si Adela ay mapino at mabait at tila ba isang babae na hindi makabasag pinggan, samantalang si Lena ay isang agresibo at tila may kati sa katawan.

Sa pagkakataong ito ayon kay Adela si Lena ay nasa loob ng kanyang katawan at nais nito na siya naman ang mamuhay na normal at gagawin lahat ni Lena upang sirain si Adela upang maisakatuparan ang kanyang naisin.

Lingid sa kaalaman ni Adela sa tuwing gabi siya ay lumalabas bilang si Lena upang maghanap ng kaulayaw, hanggang sa matagpuan nito muli ang lalaki na una nyang minahal, si Jacob.

Aabot sa sukdulan ang gagawing panggugulo ni Lena sa buhay ni Adela hanggang sa mahaluan ng mga krimen ang mga dating laro-laro lamang sa kanya. Maging si Marvin ay mapupuna ang pagbabago ng asawa lalo na sa kama, dahil may pagkakataon na agresibo ito at ginagawa ang mga bagay na di pa nya naranasan sa kanilang pagsasama.

Matutuklasan ni Marvin na huminto na pala si Adela ng pag-inom ng anti -depressant drug nya at sa pagbisita nito sa psychologist, dahil aside sa anxiety problem ni Adela nagkaroon din siya ng Postpartum depression simula ng magsilang siya sa kanilang panganay.

At sa tuwing lumalabas si Adela sa loob ng kwarto o CR ay mula sa salamin inihahagis nito ang isang barya kung saan kung ano ang lalabas ay magiging siya “Kara” ay si Adela at “Krus ” ay si Lena.

Sa pag -iimbestiga sa krimen na naganap at nagtukoy kay Adela, lalabas ang katotohanan kung sino ang gumagawa ng masama , hindi si Lena ang pumapatay, kundi si Adela upang mapagtakpan ang ginagawang kamunduhan ni Lena.

Ang “Kara Krus” ay mula sa direksyon ni GB Sampedro. Kasama rin dito sina Felix Roco at Allison Asistio. Mapapanood na ito sa darating na Nov. 4.

Vivamax Bombshell Denise Esteban nahirapan sa sex scenes nila ni Adrian Alandy: Nahiya rin ako kasi mas senior siya sa akin…

Adrian Alandy naluha nang aminin ang isang bagay na pinagsisisihan niya hanggang ngayon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending