Direk GB Sampedro walang reklamo sa titulong 'High On Sex': Dapat nag-e-evolve rin ang market, gumawa tayo ng iba | Bandera

Direk GB Sampedro walang reklamo sa titulong ‘High On Sex’: Dapat nag-e-evolve rin ang market, gumawa tayo ng iba

Ervin Santiago |April 27,2022
facebook
share this

Direk GB Sampedro walang reklamo sa titulong ‘High On Sex’: Dapat nag-e-evolve rin ang market, gumawa tayo ng iba

Ervin Santiago - April 27, 2022 - 02:32 PM

Wilbert Ross, Angela Morena at GB Sampedro

PATULOY na bumebenta sa mga manonood ang mga sex movies na ipinalalabas sa streaming app na Vivamax sa kabila ng pagpuna rito ng mga moralista.

Kaya naman kahit na may mga nangnenega at tumitira sa mga pelikula ng Viva Films na may iba’t ibang tema ng usaping sex, patuloy pa rin silang gumagawa ng mga ganitong genre.

Ayon sa TV and movie director na si GB Sampedro, naniniwala siya na  ito na ang tamang panahon para mag-evolve at matanggap sa mainstream ang mga pelikula o series na ang tema ay tungkol sa sex.

Si Direk GB ang direktor ng bagong Vivamax movie na “High on Sex” kung saan mapapasabak nga sa hubaran at matitinding love scene ang mga bidang sina Wilbert Ross, Denise Esteban, Angela Morena, Katrina Dovey at Migs Almendras.

Sey ni Direk GB sa ginanap na mediacon ng Viva para sa “High On Sex”, “Para sa akin dapat nag-e-evolve ang market natin. Hindi lang tayo dapat nag-i-stick sa mga nakagawiang napapanood o the usual nga na tinatangkilik ng manonood natin sa pelikula o series.

“Kung mapapansin natin sa ibang bansa na ang mga flat form nag-e-evolve sila, eh. Nag-e-eksperimento sila and it’s high time na mag-eksperimento tayo and it’s high time na i-consider natin na mag-offer ng kakaiba para rito sa ating market dito sa Pilipinas,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@hashtag_wilbert)


Dagdag pa niyang paliwanag, “And naniniwala kong may market ang ganito rito sa Pilipinas. ‘Yun ngang mga bagong ipinakikita natin ay tinatangkilik so, I think tayong mga Pinoy naman siguro it’s about time na makatikim ng something new.”

Sabi pa ng direktor, agad siyang pumayag sa iskandolosong title ng kanilang series, “Kasi hindi ko naman tinitingnan ang sex na something immoral or something na parang ikahihiya o hindi dapat pag-usapan.

“Kasi ibang panahon na tayo ngayon eh. So, dapat pinag-uusapan nga natin iyan para aware ang mga kabataan sa kung ano ang mae-experience nila sa buhay nila. Pero siyempre kailangan may mga iko-consider din tayo sa paggawa ng ganitong series,” katwiran niya.

Ang “High on Sex” ay 8-part sexy comedy series na mapapanood sa Vivamax. Kasama rin dito sina Katya Santos, Rob Guinto, Marco Gomez, Micaella Raz, Andrea Garcia, Mark Carpio, Sheree Bautista, Juami Gutierrez, Joe Vargas, at Jiad Arroyo.

Angeli Khang hubad kung hubad sa ‘Eva’: Lahat ng klase ng sex scenes, masasaksihan n’yo rito!

AJ, Sean walang kyeme sa isa’t isa, game lang sa sex scenes

‘Ano ang bet mo, love without sex o sex without love?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending