Direk GB Sampedro gumagawa ng sex movies kahit may mga anak na babae: Trabaho lang naman 'to Bandera

Direk GB Sampedro gumagawa ng sex movies kahit may mga anak na babae: Trabaho lang naman ‘to

Reggee Bonoan |August 07,2022
share this

Direk GB Sampedro gumagawa ng sex movies kahit may mga anak na babae: Trabaho lang naman ‘to

Reggee Bonoan - August 07, 2022 - 06:32 PM

GB Sampedro

ANG tarush ni Direk GB Sampedro dahil number one na agad sa Vivamax ang pelikula niyang “Purification” pati na ang sexy series na idinirek din niya na “High On Sex.”

Hindi lang ang mga ito ang consistent number one sa online platform ng Viva Films maging ang mga nauna niyang pelikula noon tulad ng “Doblado”, “Kinsenas Katapusan” at “Kaka.”

At dahil moneymaker ng Vivamax ang mga pelikula ni direk GB kaya kinontrata na siya ng 10 movies ngayong 2022 na posible pang madagdagan.

Tanda namin ay inspired by true events ang lahat ng kuwento ng pelikula ni direk GB na siya mismo ang nakararanas o ng mga kaibigan niya at saka niya iniipon-ipon ang lahat ng experiences na ito at saka isasalin sa pelikula.

Aniya, “Most ng pelikula ko ay konsepto ko then nagcko-collaborate ako sa writer sa paggawa ng script.”

Karamihan sa mga artista niya sa pelikula ay mga baguhan lalo na si Wilbert Ross na unang nakilala bilang miyembro ng Hashtags, pero dahil nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN kaya hindi na matunog ang binata.

Pero dahil sa “Crush Kong Curly” ay muling umingay ang pangalan ni Wilbert na sinundan ng pelikulang “Boy Bastos” at ito ngang “High on Sex.”

Natutuwa naman si direk GB dahil may mga kontribusyon siya sa pagsikat ng mga bagong stars ng Vivamax.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gb Sampedro (@gbsampedro)


Say ng direktor, hindi naman siya nahirapang idirek ang mga baguhan dahil bago gumiling ang kamera ay, “Sumasailalim ang cast sa workshop then I make sure na natututukan ko sila sa pag-atake sa kani-kanilang role. Di naman ako nahirapan kasi kinikilala ko sila mabuti para alam ko on how to handle them.”

Pamilyadong tao at may mga babaeng anak si direk GB kaya natanong kung hindi ba siya naaalangang gumawa ng sexy movies at ano ang say ng misis niyang doktora.

“May mga do’s and don’t’s. At the end of the day, trabaho lang naman ito. Ginagawa ko lang naman ang work ko as a director and naiintindihan nila ito,” esplika niya.

Kilalang concert director din si direk GB kaya para sa kanya ano ang mas exciting gawin? “Sa bawat project na ginagawa I make sure na gusto ko ang trabahong tinatanggap ko para nae-excite at nae-enjoy ko itong gawin at the same time.

“Preference ko rin kasi ang iba’t ibang uri ng proyekto ang tinatanggap ko para laging bago para sa akin ang gagawin ko.

“Kahit sa pelikula mas gusto ko na iba-ibang genre para rin di ako mapako sa isang uri lang ng film,” paliwanag nito.

GB Sampedro hindi ipinapanood sa asawa ang mga ginagawang sexy movies, bakit kaya?

Hashtag Wilbert Ross wala nang hiya-hiya sa paghuhubad: Yung stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa du’n

Direk GB Sampedro walang reklamo sa titulong ‘High On Sex’: Dapat nag-e-evolve rin ang market, gumawa tayo ng iba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending