Robin may ni-request na posisyon sa senado; pinayuhan nina Zubiri at Drilon na 'mag-aral' mabuti | Bandera

Robin may ni-request na posisyon sa senado; pinayuhan nina Zubiri at Drilon na ‘mag-aral’ mabuti

Reggee Bonoan - June 02, 2022 - 06:15 PM

Robin Padilla, Franklin Drilon, Miguel Zubiri

ANG Senate Committee on Constitutional Amendment and Revision of Codes and Laws ang gustong pamunuan ni Senator-elect Robin Padilla dahil may kinalaman ito sa batas na gusto niyang baguhin kabilang ang ipinaglalaban niyang federalism.

Sa pagtatapos ng 18th congress ay pinayuhan ni Outgoing Senate Minority Leader Franklin Drilon ang baguhang senador na uupo simula sa Hunyo 30 na mag-aral mabuti dahil hindi porke’t nanalo ay puwede na siyang tawaging senador.

Obviously, sina Raffy Tulfo at Robin Padilla ang dalawang bago dahil ang 10 kasama nilang nanalo ay nagbabalik lang sa kanilang mga puwesto.

Ayon din kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay kailangang mag-aral mabuti si Robin dahil nga sa posisyong hiningi niya.

Base sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Sen Migz, “Wala pong gustong mag-head ng committee na yan and therefore kung ‘yan po talaga ang adhikain niya, he might shine.

“Let us listen to his arguments, dapat pag-aralan niyang mabuti itong Consti amendments and revision of laws.

“Remember revision of laws din ‘yan so ‘yung mga papalitan na batas, ‘yung aamyendahan na batas, lalo na sa mga issues on criminal law and other corporate law. Dadaan sa kanya yun,” sabi ng senador.

At dito na niya inamin na abogado ang dapat humawak ng committee na hinihingi ni Sen. Robin pero dahil hiningi niya kaya sa kanya ito ipagkakatiwala.

“Actually, sa totoo lang, abogado talaga ang humahawak ng committee na yan, pero gusto niya eh. So baka magpakitang gilas ang ating kaibigan na si Senator Robin Padilla but I have to appeal to him and of course bigyan ko po ng payo at advise, mag-aral nang mabuti. Kailangan mag-aral ka nang mabuti dyan. Kasi mga kausap mo dyan justices eh, constitutionalist,” sabi ng senador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)


Okay lang na humingi ng payo si Binoe sa mga abogado at sa pagkakaalam namin ay ang dating presidential legal counsel ng Duterte administration na si Atty. Salvador Panelo ang kinuha nitong legislative consultant, adviser at mentor.

Sabi kasi ni Sen. Zubiri na siya ang magsasalita sa senado at hindi puwede ang abogado.

Dagdag pa niya, “You have to know the legal terminologies. Hindi puwedeng i-simplify ang napaka-complicated na legal terminologies, particularly on revising laws and the Constitution. Lalo na kung ang ka-debate mo ay constitutionalist, mga dean of the law school of different colleges.”

Naniniwala naman si Sen. Migz na kaya ito ng aktor na ngayon ay senador na. Pero ipinaalala ulit na pagbobotohan pa rin ng mga senador ang komite na gustong hawakan ni Sen. Robin.

“Ang katotohanan niyan mga kababayan, hindi basta din po maibibigay yung committee na ‘yan sa kanya dahil kailangan mahalal po ‘yan ng mga miyembro.

“So kung mayroon pong mga miyembro diyan sa dami namin sasabihin nila hindi ka karapat-dapat doon sa posisyon na ‘yan, kung hindi po siya karapat-dapat sa posisyon na ‘yan, ay hindi siya ihahalal ng mga miyembro ng Senado.

“Remember that the position, including mine, is elected in the plenary. Kailangan lahat po walang objection. Kung may objection, we will divide the house, magkakabotohan yan.

“So kailangan niya na lapitan lahat ng miyembro and convince them na you know, bagay ako diyan dahil mag-aaral ako nang mabuti, so hindi po automatic yan,” paliwanag mabuti ni Sen. Migz.

Samantala, kasalukuyang nasa Spain pa rin si Robin kasama ang pamilya niya at okay na raw ang pakiramdam niya ngayon matapos ma-high blood base na rin sa sagot sa amin ng asawang si Mariel Rodriguez-Padilla nang maka-chat namin through Instagram.

Anyway, kung tama ang sapantaha namin ay sasabayan nang pauwi ng Pilipinas ni Binoe ang mag-iina niya mula sa isang buwang bakasyon sa Spain.

https://bandera.inquirer.net/293563/bianca-gonzalez-hindi-gawa-gawa-ang-kwento-ng-martial-law-victims

https://bandera.inquirer.net/295279/kuya-kim-umaming-hate-na-hate-mag-aral-noon-buking-sa-pagiging-felix-bakat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295695/jay-angeli-sean-walang-arte-arte-sa-shooting-ng-mahjong-nights-lahat-palaban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending