Janine biglang napaiyak sa presscon ng 'Ngayon Kaya': Nalulungkot ako...kaya when I get married, sana forever na | Bandera

Janine biglang napaiyak sa presscon ng ‘Ngayon Kaya’: Nalulungkot ako…kaya when I get married, sana forever na

Ervin Santiago |June 02,2022
facebook
share this

Janine biglang napaiyak sa presscon ng ‘Ngayon Kaya’: Nalulungkot ako…kaya when I get married, sana forever na

Ervin Santiago - June 02, 2022 - 03:23 PM

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

HALOS maiyak ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez habang sinasagot ang isang hugot na tanong pagkatapos ng private screening ng bago niyang pelikula kasama si Paulo Avelino, ang “Ngayon Kaya.”

Nagkaroon kami ng pagkakataon at ilan pang miyembro ng entertainment media na  makachikahan sina Janine at Paulo kahapon pagkatapos naming panoorin ang “Ngayon Kaya” na idinirek ni Prime Cruz.

Ipalalabas na ito sa mga sinehan simula sa June 22 kaya super excited na ang rumored couple na mapanood ito ng madlang pipol dahil talagang ipinagmamalaki nila ang proyektong ito.

In fairness, may karapatan namang maging proud ang tambalang “PauNine” sa kanilang pelikula dahil talaga namang napakaganda ng pagkakagawa rito ni Direk Prime. Para sa amin, ito na ang pinakabonggang movie niya to date.

Bukod sa napakagaling nina Paulo at Janine sa pelikula, maipagmamalaki rin nila ang kuwento nito na sure na sure kaming maraming makaka-relate lalo na yung mga hindi masabi-sabi sa taong mahal nila ang tunay na nararamdaman.

Siguradong matutuwa rin ang fans ng bandang Mayonnaise dahil napakalaki ng partisipasyon nila sa kuwento nina AM (Janine) at Harold (Paulo) bilang mag-best friends na nagkainlaban pero hindi nila maamin ang feelings sa isa’t isa.

Samantala, napaiyak nga si Janine nang matanong kung ano ang hiling nila ni Paulo sa ngayon. Aniya, ang tanging dasal niya kung sakaling mag-aasawa na siya, sana’y pang-forever na.

“Gusto ko lang na eventually, when I settle down, na kami na forever. Kasi, in my family halos lahat yata na…yung couples, like my parents, everyone, naghiwalay.

“So, ako, nalulungkot ako. Ako, if I… when I get married, sana forever na,” ang natatawa ngunit naluluhang sabi ng dalaga.

Humirit naman si Paulo ng, “Noted!” pagkatapos magsalita ni Janine kaya nagtawanan ang lahat. At dahil dito, feeling namin, matagal nang magkarelasyon ang dalawa pero ayaw pa nila itong ibandera sa buong universe.

Hindi naman mabibigo ang kanilang fans na umaasang mapanood ang dalawa sa mga intimate moments dahil matagal-tagal ang mga kissing scenes nila sa movie.

Kumusta naman ang shooting nila para sa nga kissing scenes? Si Janine ang unang sumagot, “Si Pau, minamali yung kissing scene! Ha-hahaha! Wala si Direk (sa mediacon), wala akong kakampi!”

Hirit naman ni Pau,“Hindi, ah! Hindi!” chika naman ni Janine, “Totoo kaya!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


Esplika ni Paulo, “Kasi, 360-degree dolly shot. Siyempre, kapag umaalog yung dolly, so inuulit. So, hindi ko po kasalanan. Kasalanan nu’ng dolly.”

“Ganu’n ba?” hirit uli ni Janine habang nagme-make face sabay sabing, “Minamali. Nag-take two tuloy.”

Pagkontra naman uli ni Paulo, “Uy! Hindi ako ganu’n, ha? Ito, aaminin ko po kung bakit ko po nauulit yung mga eksena, hindi po ako ang mali. Siya po yun. Kasi, pagkatapos ng kiss, tawa po siya nang tawa lagi. Hindi ko alam kung bakit.”

Natatawang sagot ni Janine, “Sobrang kinakabahan ako nu’n, e. Kasi, I think it was one of our first shooting days. Tapos, may kiss agad. So yun, kinakabahan po talaga ako.”

Sey ni Paulo, “Magrereklamo nga po sana ako nung time na yun. Kaso, hindi po nila in-accept ang reklamo ko.”

“Sorry,” ang natatawang sagot naman ni Janine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Ngayon Kaya” sina Rio Locsin, Alwin Uytingco at Donna Carriaga.

Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

Jake Ejercito, Ellie tagumpay sa paglaban sa COVID-19: Praise God, we are okay na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending