Jak Roberto shookt nang makaeksena si Rayver Cruz: Nakakakilabot ang galing niya!
FIRST time nakatrabaho ng Kapuso hunk actor at tinaguriang “Pambansang Abs” na si Jak Roberto sina Kylie Padilla at Rayver Cruz sa isang teleserye.
Bukas na, May 30, ang simula ng pinakabagong sports-drama series ng GMA 7 na “Bolera” na siyang papalit sa “False Positive” nina Glaiza de Castro at Xian Lim.
Medyo matagal-tagal ding napahinga si Jak sa paggawa ng serye, ang huling proyekto niya ay ang afternoon drama na “Never Say Goodbye” kung saan nakatambal niya si Klea Pineda.
Sa “Bolera” gaganap si Jak bilang BFF ng karakter ni Kylie na magkakagusto sa dalaga, “Ako yung best friend ni Kylie since childhood at nu’ng lumaban na siya sa billiards, ako ang tumayong manager niya.
“May lihim akong pagtingin sa kanya but hindi ko mai-express ang feelings ko. Tapos pumasok si Rayver Cruz at siempre, nagselos ako,” kuwento ng hunk actor sa virtual mediacon ng “Bolera” kamakailan.
Kumusta naman ang working relationship nila nina Rayver at Kylie? “Chill-chill lang kami sa taping. It’s my first time to work with them in a drama series.
View this post on Instagram
“Si Rayver, nakakasama kong kumanta sa ‘All Out Sundays’, so more or less, magkakilala na kami. Wala kaming naging problema. Si Kylie naman, nakasama ko before sa GMA acting workshops, but this is the first time we’re acting together,” lahad ng boyfriend ni Barbie Forteza.
“Kasi nga sa kantahan lang kami nagkakasama, so nagulat ako sa kakayahan niya sa pag-arte. Before the take, nagjo-joke pa siya, tawa lang nang tawa.
“Pero kapag nakaharap na kayo sa kamera, he transforms. Nakakakilabot ang galing niya,” dugtong pa ng binata.
Patungkol naman kay Kylie, ito ang nasabi ni Jak, “Noong una, akala ko, masyado siyang serious, but we opened up to each other at madali naman kaming nakapag-adjust sa isa’t isa.
“As a co-actor, very open siya on how to do a scene, so natitimpla namin nang maayos kung paano namin gagawin ang aming mga eksena,” aniya pa.
Samantala, feeling blessed din si Jak na nakatrabaho niya sa bagong serye ng GMA ang award-winning actress na si Jaclyn Jose na gumaganap na nanay ni Kylie sa programa.
“I really got excited working with Tita Jane as I know how good she is. Sabi ko nga sa kanya, gusto kong mag-workshop sa kanya, to learn how to be so relaxed in doing my scenes.
“She’s very generous naman at tinutulungan niya ako talaga. Actually, everyone was cooperative sa show na ito including Al Tantay as Kylie’s dad, Joey Marquez as the man who betrayed Tito Al and Gardo Versoza as Kylie’s rival, si Kubrador.
“We really had very good teamwork with our directors, Dominic Zapata and Jorron Monroy,” pahayag pa ni Jak.
Nabanggit din ng binata na talagang naglalaro siya ng billiards in real life, kaya nakaka-relate rin siya sa kuwento at tema ng “Bolera.”
“After ‘Bolera’ kasi, I also starred in ‘Magpakailanman’ in the story of a real life billiard champion. Kaya nag-enjoy ako and I will continue to play billiards.
“I really appreciated all the techniques na itinuro ng coaches namin on how to play well. Balak ko nga ngayong bumili ng billiard table para makapaglaro ako sa bahay namin,” sabi ni Jak.
https://bandera.inquirer.net/303494/kylie-padilla-kinakarir-ang-paglalaro-ng-billiards-makikipag-collab-kina-rayver-at-ruru
https://bandera.inquirer.net/303841/kylie-na-in-love-agad-sa-billiards-tuwang-tuwa-nang-regaluhan-ng-tako
https://bandera.inquirer.net/310855/rayver-cruz-bibili-na-ng-luxury-car-aamin-na-nga-ba-sa-relasyon-nila-ni-julie-anne-san-jose
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.