Janelle Tee todo bigay sa pelikulang 'Pusoy', first time gumamit ng sex toys | Bandera

Janelle Tee todo bigay sa pelikulang ‘Pusoy’, first time gumamit ng sex toys

Reggee Bonoan |May 28,2022
facebook
share this

Janelle Tee todo bigay sa pelikulang ‘Pusoy’, first time gumamit ng sex toys

Reggee Bonoan - May 28, 2022 - 06:35 PM

Janelle Tee todo bigay sa pelikulang 'Pusoy', first time gumamit ng sex toys
MARAMI ang humanga at nagulat kay Miss Philippine Earth 2019 Janelle Tee dahil sa ginampanan niyang karakter sa pelikulang “Pusoy” na streaming na ngayon sa Vivamax dahil mala “50 Shades of Grey” ang dating.

Inamin din ng beauty queen-turned-actress na nanood sila ng ka-partner niyang si Baron Geisler ng video clips ng BDSM (bondage, discipline, dominance, submission, sadism, and masochism) dahil nga ito ang ipinagawa sa kanila ni Direk Brillante Mendoza bilang producer.

Ang paliwanag ni Baron kaya kailangang saktan o gamitan siya ni Janelle ng sex toys ay dahil gusto niyang maramdaman na mas may superior sa kanya sa kama.

Ang katwiran ni Janelle ay sobrang naalangan talaga siyang gawin ang eksena.

“Alam ko naman yung mga ganun, pero it’s different pala talaga when you’re there and doing it. And nananakit ka. Kasi, ayokong nananakit!”

Good thing si Baron ang ka-eksena at inalalayan siya.

“So, talagang inano niya ako, ‘Hindi! Huwag kang mag-alangan! Lakasan mo pa!’ Kasi, naaalangan akong lakasan. Baka masyado siyang masaktan, di ba? So, we collaborated with it. So, maganda naman ang kinalabasan ng eksena. Yun ang maganda pag kayong dalawa na magkaeksena ay nagtutulungan kayo, di ba?” paliwanag ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janelle ✨ (@_janelletee)

Maraming anggulo ang love scenes nina Janelle at Baron na kinunan lang pala iyon sa isang araw dahil iisa ang kulay ng brief ng aktor na ayon sa kanya pito lahat yun sa isang araw kaya siya pinag-plaster ni direk Brillante at sobrang pagod at nahirapan sila.

“When we shot it, I think, apat na straight na nagpapalit lang kami ng damit. But apat na straight na sakitan yun at lahat.

“Imagine, talagang tama yung sinabi ni Baron na, actually, mas nakakapagod siyang i-shoot, talagang nade-drain kami.

“And of course, after that, we have to shoot pa other scenes, aside from the dire-diretso na love scenes,”paglalarawan ng sexy star ng Vivamax.

Tawang-tawang ibinuking din ni Janelle na si direk Brillante ang nagturo sa kanila kung paano gamitin ang mga sex toy dahil wala siyang alam o ideya sa mga ito at higit sa lahat, hindi siya sina-sadista ng partner niya.

“Pero pagdating sa making love, hindi ko siya nai-imagine na magagawa ko in real life. Hindi ko ito ita-try ever! The thought pa lang of hurting someone, of course I respect those people who enjoy that, and that’s their fantasy.

“But in my case, I really wouldn’t enjoy that. Kasi, gusto ko pa rin yung romance, di ba? Na talagang mahal na mahal niyo ang isa’t isa without hurting each other. Walang mga kung anu-anong bagay na pinaglalaruan,” pangangatwiran ng isa sa Pusoy lead actress.

Anyway, bukod kina Janelle at Baron ay kasama rin sa pelikula sina Vince Rillon, Jela Cuenca, Raquel Montesa, Julio Diaz at Angeli Khang mula sa direksyon ni Phil Giordano.

Related Chika:
Janelle Tee bet maging ‘best actress’, game na game sa matitinding eksena

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayana Misola, Janelle Tee nagbago ba ang preference matapos ang love scenes sa ‘Putahe’?

Angeli Khang gustong makaipon para sa pamilya, hindi bet humingi sa milyonaryong tatay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending