Angeli Khang gustong makaipon para sa pamilya, hindi bet humingi sa milyonaryong tatay | Bandera

Angeli Khang gustong makaipon para sa pamilya, hindi bet humingi sa milyonaryong tatay

Reggee Bonoan |May 27,2022
facebook
share this

Angeli Khang gustong makaipon para sa pamilya, hindi bet humingi sa milyonaryong tatay

Reggee Bonoan - May 27, 2022 - 06:57 PM

Angeli Khang gustong makaipon para sa pamilya, hindi bet humingi sa milyonaryong tatay

NANINIWALA ba si Angeli Khang na money is root of all evil? May kaugnayan kasi ito sa kuwento ng pelikulang “Pusoy” na streaming na ngayong May 27 sa Vivamax mula sa direksyon ni Phil Giordano at produced ni Direk Brillante Mendoza for Viva Films.

Umiikot ang kuwento sa sugal na “Pusoy” at lahat ng pandaraya para manalo ay gagawin dahil lang sa malaking halata.

Ayon kay Angeli ay naniniwala siya sa kasabihang ito, “Yes money is the root of all evil kasi money talaga it can rule us lalung-lalo nap ag sobrang kailangan natin like what we saw in the movie but I also think that money is there para i-balance tayo sa life kasi when everything is free pag may nakukuha ka as a person parang gustung-gusto mo pa hanggang hindi mo na ma-control ang sarili mo kaya there’s gambling. And yeah, money balances everything but it also the root of all evil.”

Hindi malinaw sa kuwento ng “Pusoy” kung bakit in need si Angeli ng malaking halaga kumpara kina, Janelle Tee at Vince Rillon na para ito sa pamilya nila.

Si Baron naman ay kailangan ng malaking halaga bilang kabayaran sa taong nakalaban nila sa pusoy at nang mabuking na nandadaya sila ay napatay ito ng sidekick niya played by Vince.

Si Janelle ang gumagawa ng dirty job for Baron para manalo sa pusoy pero mas magaling pala si Angeli kaya kinomisyon ito ng aktor at the same time ay ginawang business partner na may kasamang sex.

Iilan lang ang sex scenes nina Baron at Angeli pero matindi ang sa dalaga dahil anal sex ang ginawa kasi nga malaki ang hinihingi niyang porsiyento na ayon naman sa aktor ay babayaran siya ng malaki basta’t gagawin niya ang gusto niyang gawin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)

Napapahiyaw si Angeli sa mga ginawa ni Baron pero okay lang dahil sap era. Tinanong ang sexy star kung ano ang motivation niya para gawinb ang mga eksena.

“My motivation is gusto kong ma-prove ‘yung sarili ko kung anong capable kong gawin and growing up talagang medyo down kaya ngayong marami akong blessings na natatanggap I want to prove everyone what I’m capable of.

“And also my mom, my family is my motivation na nandiyan sila para suportahan ako at nakaka-uplift ng feelings para gawin ko pa ‘yung best ko sa bawa’t movie na gagawin ko,” pahayag ni Angeli.

Gusto kasing makapag ipon ng husto ni Angeli kaya lahat ng role na ibinibigay sa kanya ng Viva ay tinatanggap niya dahil ayaw niyang manghingi sa tatay niya na hanggang ngayon ay hindi sila okay kahit na milyonaryo pa ito sa ibang bansa.

Inakala kasi ng ama ng aktres na hindi nito kayang tumayo sa sariling paa at pilit na pinababalik na siya sa poder nito para makapag-aral pero ayaw ni Angeli dahil hindi niya kaya ang mga pananakit sa kanya ng ama at gayun din sa mommy at kapatid niyang lalaki.

Anyway, kasama rin sina Raquel Montesa, Julio Diaz at Jela Cuenca sa Pusoy bukod kina Vince, Janelle at Baron.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Baron kung anu-anong posisyon sa pakikipag-sex ang ginawa sa ‘Pusoy’: Sana hindi kayo nandiri sa katawan ko kahit 40 na ‘ko!

Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending