Baron kung anu-anong posisyon sa pakikipag-sex ang ginawa sa 'Pusoy': Sana hindi kayo nandiri sa katawan ko kahit 40 na 'ko! | Bandera

Baron kung anu-anong posisyon sa pakikipag-sex ang ginawa sa ‘Pusoy’: Sana hindi kayo nandiri sa katawan ko kahit 40 na ‘ko!

Ervin Santiago |May 26,2022
facebook
share this

Baron kung anu-anong posisyon sa pakikipag-sex ang ginawa sa ‘Pusoy’: Sana hindi kayo nandiri sa katawan ko kahit 40 na ‘ko!

Ervin Santiago - May 26, 2022 - 11:20 AM

Janelle Tee, Baron Geisler, Vince Rillon at Angeli Khang

PASABOG kung pasabog ang mga nakakalokang eksena ni Baron Geisler sa bago niyang pelikula under Vivamax, ang sex-action-suspense na “Pusoy.”

Kasama niya rito sina Vince Rillon, Janelle Tee, Jela Cuenca at Angeli Khang, sa direksyon ni Phil Giordano, created and produced by the award-winning director Brillante Mendoza.

Napanood na namin kagabi ang “Pusoy” sa ginanap na private screening nito na dinaluhan ng halos lahat ng cast members na tumanggap ng malakas na palakpakan mula sa audience.

In fairness, sa kabuuan ng pelikula nina Direk Phil at Direk Brillante, talagang ang umangat nang bonggang-bongga ay si Baron dahil nga sa mga nakakokang pinaggawa niya sa pelikula.

Inasahan na namin na mang-aagaw talaga ng eksena ang magaling na kontrabida sa “Pusoy” pero mas marami pa pala siyang ginawa sa pelikula na siguradong ikaka-shock n’yo nang bonggang-bongga!

Sabi nga namin, kung palaban sa mga sex scenes ang mga kasamahan niyang sexy stars sa “Pusoy”, hindi rin nagpatalo sa kanila si Baron dahil sabi nga niya, ito na ang boldest movie niya ever.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)


Bukod sa paghuhubo’t hubad, pumayag din siya sa iba’t ibang posisyon ng pakikipag-sex sa pelikula with Janelle Tee and Angeli Khang na first time raw niyang ginawa sa ilang dekada niya sa showbiz.

“Sana hindi po kayo nandiri sa aking katawan sa mga love scene ko kahit 40 years old ako. Pero all in all, nag-enjoy ako. I hope nag-enjoy din po kayong lahat.

“Mas maraming laman na ipinakita. Good luck sa asawa ko!” ang natatawang pahayag ni Baron sa presscon ng “Pusoy” pagkatapos ng screening kagabi, May 26.

Ngunit sabi ng aktor, hindi naman daw malaswa ang ginawa niyang pagbuhubad sa “Pusoy”, “I think nag-improve. Kung makikita niyo naman po, hindi naman nakabulatlat. Tastefully done pa rin naman.

“Of course, nandoon pa rin yung tema ng Vivamax, pero tastefully done. My first time to wear nothing. Mabuti na lang nandoon si Direk Brillante para i-guide kami sa mga sexy scene.

“It’s my first time to actually do this kind of daring role, love scenes. And sa lahat ng mga eksena, yung love scenes talaga yung pinakamahirap gawin. Akala niyo, nag-e-enjoy kami, nanginginig kami.

“Hopefully, ma-screen lang nang maayos ng Viva (ang Pusoy) na hindi po pumasok sa Pornhub,” pahayag pa ni Baron.

Samantala, para sa magaling na kontrabidang aktor, ang pinakamahirap daw na eksenang ginawa niya sa movie ay ang “pagkain” niya sa mga daliri ng paa ni Janelle.

“Hindi nga po nag-alcohol ng paa (si Janelle). Ha-hahaha! Pagganu’n ko, may sabit! Hindi nagka-cut si Direk (Phil Giordano) kaya itinuluy-tuloy ko na lang!” ang tawa na nang taaang kuwento ni Baron na ikinahagalpak din ni Janelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Pusoy” sa Vivamax simula bukas, May 27 kaya kayo na ang bahalang magsabi kung nakakadiri ba ang pinaggagawa ni Baron at ng kanyang co-stars sa pelikula.

Janelle Tee hindi suportado ng pamilya sa pag-aartista: Maraming dumarating na opportunities and I’m really grateful

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending