Janelle Tee bet maging 'best actress', game na game sa matitinding eksena Bandera

Janelle Tee bet maging ‘best actress’, game na game sa matitinding eksena

Reggee Bonoan |May 12,2022
share this

Janelle Tee bet maging ‘best actress’, game na game sa matitinding eksena

Reggee Bonoan May 12, 2022 - 08:03 PM

Janelle Tee bet maging 'best actress', game na game sa matitinding eksena

NANG mapanood namin si Miss Earth Philippines 2019 and TV host Janelle Tee sa private screening ng pelikulang “Putahe” na mapapanood na bukas, May 13 sa Vivamax ay nagulat kami sa mga intimate scenes nila ni Ayanna Misola.

Yes, it’s a girl to girl intimate scenes bukod pa sa mga kasamang aktor din sa pelikula tulad nina Mon Confiado, Massimo Scofield, Richard Solano at Nathan Cajucom.

Siyempre bilang beauty queen at may iniingatang titulo ay nagulat kami pero sabi nga nage-evolve na ngayon ang tulad nilang pinasok na ang showbiz tulad din ni Ariella Arida, 3rd runner up Miss Universe 2013 sa pelikulang “Breathe Again” na lahat ay trabaho lang.

Base sa panayam namin kay Janelle pagkatapos ng screening ng “Putahe” ay aminadong nahirapan siya sa karakter niya bilang gender fluid na puwede sa babae at lalaki.

“Sobrang layo (sa pagkatao) ‘yung challenge na ‘yun ay tinanggap ko kasi gusto ko na talagang maging aktres and I’m working toward that goal na wala ako rito para lang to be just a sexy actress, but I’m here working towards my goal to become a best actress someday,” katwiran ng dalaga.

Halos lahat naman ng nagsisimulang aktres na sumikat ay dumaan sa pagpapa-sexy kahit noong araw pa at ngayon ay mga beteranang artista na.

At bilang nagsisimula palang si Janelle, “kailangan kong matutunan ang mga proseso and of course kailangan kong aralin lagi, kailangan kong isabuhay lahat ng characters na ibinibigay sa akin mapa-sexy, action o lahat ng genre.

“Ito na ‘yung simula na gusto kong mapakita na si Janelle Tee po ay tapos nang maging beauty queen at isa nap o akong ganap na aktres.”

At dahil sexy movies kaagad nalinya si Janelle ay pinanood niya ang mga pelikula nina Sharon Stone, Kate Winslet, at Angelina Jolie na nagsimula rin sa pa-sexy para raw maintindihan niyang mabuti kung ano ‘yung pinasok niya sa larangan ng pag-arte na hindi lang paghuhubad ang gagawin niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janelle ✨ (@_janelletee)

Aminado ang Davaoena beauty na natakot siya, “una natakot ako! Honestly may hindi ako tinanggap na proyekto na very similar to this role kaya sabi ko kay boss Vic (del Rosario), ‘I don’t wanna do something na hindi rin buo ang loob ko.’

“Hindi naman ako nagsisi nu’ng tanggihan ko (me ibang gumawa na), I think I’m meant to be in this project, Putahe kasi hindi pa ako handa noon.”

Ayaw nang banggitin ni Janelle kung anong pelikula ito pero para sa kanya ay mas matitindi ang mga eksena ro’n kaysa rito sa Putahe.

Mas may titindi pa pala sa ginawa niyang pagpapakita ng boobs, kissing at pumping scenes.

“Dito kasi parang naging balance naman (mga eksena) at may limitation naman ako rito, usapan namin ni direk (Roman Perez, Jr) pero bago namin itong i-shoot alam ko na ‘yung character o ‘yung role ko, may mga ginawa kaming improvise na wala sa script, depende sa location minsan nagbabago.

“Tulad nga ng sabi ni sir Ronnie (Lazaro) na dapat meron kaming love scene pero hind na natuloy kasi we both feel na pagmamahal ‘yung sa amin hindi dapat (lust) or one of the guys lang na isa lang siya sa pumasok sa kuwarto, ganu’n.

“’Yun ‘yung gusto ko kay direk Roman na kung hindi naman kailangan, nakita n;yo naman ‘gung love scenes ko hindi naman lahat hubad na nagustuhan ko kasi naalagaan at napo-protektahan po ako at na-guide ng sobra ni direk Roman dahil alam niya rin na sobrang kabado ako,”mahabang kuwento ng isa sa bida ng Putahe.

Samantala, kamuntikang umiyak si Janelle sa tanong namin kung ipapanood ba niya sa magulang niya ang “Putahe” dahil nga inamin niya sa zoom mediacon kamakailan na hindi siya suportado ng pamilya niya.

Lalo na ang mama niya na hindi sila nag-uusap matagal na dahil nga ayaw nitong sumasali siya sa anumang contest dahil natatakot na matalo.

“Very protective mom, ayaw niyang makaramdam ako ng pain, so might as well ayaw niya akong pasalihin sa anumang contest pati nga sa Miss Earth hindi niya alam na sumali ako, lalo na ngayon sa showbiz,” sabi ni Janelle.

At ang sagot niya sa tanong namin, “ayaw ko pong mapanood nila ito. Ayaw ko pong mapanood nila. Ginawa koi to kasi nga gusto ko ng maging seryosong aktres kasi kailan ko pa ba (gagawin). Lagi ba akong matatakot? At palagpas na tayo sa kalendaryo, so, I’m doing this because I wanna be the best actress that I can be.”

Hirit pa namin, ‘paano kung may Vivamax apps sila paano pa niya malalaman kung pinanood o hindi.’

“Ha, ha, haha. Kinausap ko na sila na I’m doing a sexy films pero hindi ko nap o ide-detalye kung anuman ‘yung pinag-usapan namin. I hope someday they will understand and they will see also the vision that I’m seeing sa career ko kasi simula lang ‘to hindi naman ito ang intention ko. Ang gusto ko ay ibigay ng buo ang sarili ko sa proseso tungo sa gusto kong marating,” pagtatapos ni Janelle.

Samantala, kasama rin sa Putahe sina Carlene Aguilar, Hershey de Leon at iba pa mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr mula sa Viva Films.

 

Related Chika:
Janelle Tee hindi suportado ng pamilya sa pag-aartista: Maraming dumarating na opportunities and I’m really grateful

Direk Roman Perez umaming certified ‘Marites’: Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending