Ayana Misola, Janelle Tee nagbago ba ang preference matapos ang love scenes sa 'Putahe'? | Bandera

Ayana Misola, Janelle Tee nagbago ba ang preference matapos ang love scenes sa ‘Putahe’?

Reggee Bonoan |May 13,2022
facebook
share this

Ayana Misola, Janelle Tee nagbago ba ang preference matapos ang love scenes sa ‘Putahe’?

Reggee Bonoan - May 13, 2022 - 01:17 PM

Ayana Misola, Janelle Tee nagbago ba ang preference matapos ang love scenes sa 'Putahe'?
PAGKATAPOS ng private screening ng pelikulang “Putahe” ni Direk Roman Perez, Jr ay isa-isa niyang nilapitan ang mga nakapanood kung ano ang mas nagustuhan nila, itong tambalang Janelle Tee at Ayanna Misola o ang “Adan” nina Cindy Miranda at Rhen Escano na idinirek naman ni Yam Laranas.

Sa virtual mediacon kasi ng “Putahe” ay inamin ng direktor na gusto niyang makagawa ng “Adan 2” na parehong babae ang bida na may mga intimate scenes.

Hati naman ang mga narinig naming sagot, ang Viva host na si Jean Kiley ay mas gusto niya ang “Adan” dahil type niya ang mga patayan, saksakan at maraming dugo.

Ito kasing “Putahe” ay walang dugo pero may patayan sa pamamagitan ng paglason sa mga biktima kaya mas okay panoorin sa mga hindi mahihilig sa karumal-dumal na krimen.

Pagdating sa intimate scenes ay mas marami ang “Adan” at talagang hubo’t hubad sina Cindy at Rhen habang naliligo sa falls at gusto namin ang eksenang pareho silang nakahiga sa ibabaw ng bato sa ilalim ng liwanag ng buwan, napaka-cinematic ng kuhang ito ni direk Yam.

Matindi ang intimate scenes naman nina Janelle at Ayanna sa “Putahe” dahil may lumabas na dila at trinabaho ng ex-beauty queen ang huli.

Kaya nga sa mediacon ay nagsabi si Janelle ng, “kahit po fluid ang role ko, babae pa rin ako at lalaki ang gusto ko. Kaya nga po ako nag-pink today just to prove na babae ako. May nagtanong po kasi na  aka raw after ng scene, e, mabago na preference ko, hindi po.”

Nagkatawanan naman ang lahat ng media na dumalo sa private screening ng Putahe.

Anyway, streaming na ngayong araw, Biyernes ang “Putahe” sa Vivamax produced ng Viva Films at kasama rin sa pelikula sina Mon Confiado, Hershie De Leon, Massimo Scofield, Richard Solano, Nathan Cajucom, at Ronnie Lazaro.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ayanna 🦋 (@ayannamisola)

 

* * *

Speaking of Ayanna Misola ay palaban din sa girl to girl laplapan at ng siya naman ang tanungin kung nabago na ang preference niya pagkatapos ng maiinit nilang eksena ni Janelle Tee ay natatawang naiiling pero base nakikita namin ay babaeng-babae naman siya.

Sa edad na 20 at bilang baguhang Vivamax artist ay mahusay ng umarte si Ayanna kaya naniniwala kami na malaki pa ang ihuhusay nito habang umuusad ang taon.

At dahil nga bata pa ay talagang wala siyang preno magkuwento tulad sa location nila sa beach na sobrang tuwang-tuwa siya at ini-enjoy niya ang bawa’t araw na naroon sila kahit walang fresh water at ilaw dahil unang beses lang niyang makapunta sa dagat.

Tubong Sta. Rosa, Laguna si Ayanna at puro hot springs ang mayroon sa Laguna kaya siguro niya na-enjoy ng husto ang dagat.

Inamin niyang nahirapan siya sa eksenang nasa bato sila dahil matalas daw at nakayapak siya.

Natatawa rin niyang kuwento na kulit siya ng kulit kay direk Roman kung anong eksena ang kukunan nila sa araw-araw para raw mapaghandaan niya.

“Kasi tinatanong ko sina Direk, ‘Today ba meron kaming love scene?’ Ganyan, para kasi, di ba makaligo ako nang maayos, ha, haha.

“Wala kasing tubig. Kaya inaalam ko kung may love scene ba para maka-order ako ng fresh water.

“Kasi, puwede namang umorder. Yun nga lang, matagal. Kasi, tatawid pa sila sa kabilang island,”masayang kuwento ng dalaga.

At sabi rin ni Janelle na makulit si Ayanna dahil naga-aaya na itong i-praktis ang kukunang love scenes.

“Pinuntahan ko si Janelle sa room! Ha! Ha! Ha! Ha! Sabi ko, ‘Ipraktis na kaya natin?” sambit ni Ayanna.

Kuwento naman ng manager niyang si Jojo Veloso ay si Ayanna ang nag-message sa kanya para tanungin kung kilala nito si Alice Dixson na super idol niya at dahil maganda ang dalaga tinanong ng kilalang manager kung type nitong mag-artista at dito na nagsimula ang showbiz career ni Ayanna.

Related Chika:
Vince Rillon pagod na pagod sa sex scenes nila ni Ayanna Misola sa erotic series na ‘L’: 2 oras kinunan yun!

Janelle Tee bet maging ‘best actress’, game na game sa matitinding eksena

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direk Roman Perez umaming certified ‘Marites’: Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan…

Vivamax sexy star Ayanna Misola sa halikan nila ni AJ Raval: Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending