Vivamax sexy star Ayanna Misola sa halikan nila ni AJ Raval: Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya Bandera

Vivamax sexy star Ayanna Misola sa halikan nila ni AJ Raval: Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya

Ervin Santiago |April 24,2022
share this

Vivamax sexy star Ayanna Misola sa halikan nila ni AJ Raval: Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya

Ervin Santiago April 24, 2022 - 06:48 AM

Ayanna Misola, AJ Raval at Vince Rillon

“PINA-PRACTICE ko yung mukha ko sa mirror before ako gumawa ng mga sexy,” ang pag-amin ng baguhan pero game na game na sexy star na si Ayanna Misola.

Isa si Ayanna sa mga bida ng 10-part Vivamax original digital series na “Iskandalo” na napanood din sa mga pelikulang “Kinsenas Katapusan”, “Pornstar 2”, at “Siklo.”

Ayon kay Ayanna, lahat ng natutunan niya sa akting from her previous movies ay nagamit niya sa “Iskandalo” at siguradong maibabaon pa niya sa kanyang nga next projects.

“Personally, sobrang conscious ko na tao. Pero when it comes to characters naman, okay sa akin kahit anong ayos yung gawin nila or kailangan ko bang umitim para sa role gagawin ko,” simulang pagbabahagi ng dalaga.

“Pina-practice ko yung mukha ko sa mirror before ako mag-sexy scene palagi. Kasi gusto ko maging realistic siya. Lagi kong china-challenge yung sarili ko na dapat mas realistic kaysa doon sa previous ko na projects.

“Kasi yung mga previous parang hindi pa masyado ganu’n ka-convincing. So ayun lagi kong tina-try yung best ko na maging realistic.

“And lagi kong tinatanong sarili ko na kunwari magaling ako rito, kailangan mas magaling ka du’n sa susunod kasi nga dapat lume-level up talaga. Hindi puwedeng mag-stay ka lang doon,” pahayag pa ng sexy star sa mediacon ng “Iskandalo”.

Siniguro ni Ayanna na hindi mabibitin ang mga manonood sa sandamakmak na sex scenes sa “Iskandalo”, kabilang na riyan ang kissing scene nila ng rumored girlfriend ni Aljur Abrenica na si AJ Raval.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Agatha David (@ayannamisola)


“Kung napanood n’yo yung trailer, ipinakita na halos lahat sa trailer eh. Kailangan niyo na lang siya panuorin sa Vivamax para mapanuod niyo ng buo yung mga scenes.

“Same pa rin as before pero mas intense yung mga scenes at saka mas maganda yung kuwento nito. Ang ganda nu’ng character ko dito. Naka-partner ko rito si AJ.

“Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya. Sana panoorin niyo muna yung series bago niyo i-judge dahil maganda yung story and yung tina-tackle namin dito nangyayari talaga siya in real life. Maraming tao yung nakaka-experience nun. Hindi lang siya tungkol sa hubaran or what,” pakiusap pa niya sa mga nangnenega sa kanilang proyekto.

Kung may namba-bash sa paghuhubad nila sa mga pelikula at digital series ng Viva Films, meron din namang nagkokomento ng positibo.

“Compliment sa akin na tawagain kaming pantasya dahil na-a-appreciate nila yung features namin or kung ano man yung nabibigay namin.

“Pero may mga nababasa din ako online na ganun eh. Dun sa first movie ko, sabi nila school project daw yung movie. Ha-hahaha! Pero hindi naman ako nagpapa-affect kasi I take it as constructive criticisms kasi nga pinanuod ko yung sarili ko dahil sa comments nila.

“At saka before pa nila kami ma-bash, alam na namin sa sarili namin kung ano yung mga imperfections namin. So mas kilala namin yung sarili namin,” aniya pa.

Pero inamin ni Ayanna na, “Hindi pinanonood ng relatives ko yung mga movies ko dahil hindi nila kaya. Kahit trailer pa lang hindi nila mapanood, eh.

“Pero wala naman silang violent reactions tungkol du’n and suportado pa rin naman nila ako. Sa mga friends ganu’n din kasi konti lang din yung kaibigan ko, eh.

“Introvert kasi ako so wala ako masyadong friends. Hindi naman siya nakaka-affect negatively pero yung mga hindi ko ka-close na tao, parang dumidikit sila sa akin ngayon dahil nga nag-aartista ako, ganyan.

“Yung mga guys, imi-message ka dahil lang napanood nila yung movies mo. Parang mahirap na makahanap ng tao na may good intention talaga,” pahayag ni Ayanna.

Napapanood na sa Vivamax ang “Iskandalo” kung saan kasama rin sina Cindy Miranda, Angela Morena, at Jamilla Obispo, sa direksyon ni Roman Perez, Jr..

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

Christine Bermas ayaw panoorin ang sarili habang nakikipag-sex sa pelikuka; nasigawan din ni Joel Lamangan

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending