Vince Rillon pagod na pagod sa sex scenes nila ni Ayanna Misola sa erotic series na 'L': 2 oras kinunan yun! Bandera

Vince Rillon pagod na pagod sa sex scenes nila ni Ayanna Misola sa erotic series na ‘L’: 2 oras kinunan yun!

Ervin Santiago |March 03,2022
share this

Vince Rillon pagod na pagod sa sex scenes nila ni Ayanna Misola sa erotic series na ‘L’: 2 oras kinunan yun!

Ervin Santiago March 03, 2022 - 07:41 AM

Vince Rillon at Ayanna Misola

NAPAGOD nang bonggang-bongga si Vince Rillon sa mga ginawa nilang sex scenes ng palaban din sa hubaran na si Ayanna Misola sa Vivamax original trilogy series na “L”.

Grabe raw ang mga ipinagawa sa kanila ni Ayanna sa nasabing erotic-drama series na idinirek ni Topel Lee, as in talagang lupaypay sila matapos kunan ang mga nasabing eksena.

“Pagod na pagod ako sa mga eksena namin ni Ayanna, sa sex scenes namin.

“Kasi, kakaiba dahil pinapanood pa kami ni Direk ng peg, kung ano yung gagawin namin sa kama, at kung ano yung mga posisyon. So, nahirapan talaga ako,” sabi ni Vince sa naganap na online presscon ng “L” kamakalawa, March 1.

Patuloy pa niyang kuwento, “Pagod na pagod ako, nakita nina Direk. After ng takes namin, tahimik na ako sa gilid. Umiidlip na ako. Si Ayanna, umiidlip na rin sa gilid. Kapag nag-cut na yung direktor, para na kaming low-batt.”

Ayon pa kay Vince, “Challenging at kakaiba dahil nga yung direktor, hinigitan niya yung mga nagdaan naming pelikula. Hinigitan niya sa sex scenes, so masasabi kong pagod ako.”

Dagdag pa niya, umabot daw sa dalawang oras ang shooting ng nakakaloka at nakakapagod na love scenes nila ni Ayanna sa “L.”

Pero siguradong tuwang-tuwa ngayon si Vince at ang buong production ng nasabing Vivamax original series dahil ilang araw na itong number one sa Vivamax.


Samantala, natanong din ang aktor kung “naaapektuhan” ba siya sa mga sex scene na ginagawa niya sa kanyang mga projects.

“Natural iyon, yung parang tumataas ang balahibo mo. Parang nadadala ka sa eksena. Pero kapag nag-cut yung direktor, kailangan bumitaw ka sa karakter mo, and then, kapag pack-up, medyo iwanan mo yung karakter mo kasi mahirap.

“Alam ko naman sa sarili ko na lalaki ako. Para sa akin, kapag lalaki, madadala ka sa eksena. Pero iniisip ko, nangingibabaw para sa akin yung trabaho, na kaya ko ginagawa ito dahil sa trabaho,” paliwanag ni Vince.

Dugtong pa niya, “Natural sa akin. Pero hindi naman nade-develop na yung after ng work, may something or nagkita, walang ganoon.

“Sa eksena, oo, natural na mangyari iyon na makaramdam ng feelings, na alam mo naman iyon, kapag nasa sex scene, pero kailangan gawin as a character,” paglilinaw pa niya.

Marami naman ang naiinggit kay Vince dahil napasuwerte daw niya dahil halos lahat ng mga baguhang sexy stars ng Viva ay naka-love scene na niya.

“Actually, hindi suwerte. Blessed, napaka-blessed kasi maraming partners. Hindi ako suwerte kasi ang suwerte nauubos.

“Aaminin ko, blessed ako kasi nabigyan ako ng break na iba-iba ang partners,” sabi pa ni Vince.

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

Sexy actor Vince Rillon nakipagchurvahan sa 4 na palabang sexy star sa erotic trilogy na ‘L’

Paolo Gumabao sa sex scenes nila ni Vince Rillon: Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha, para one take lang!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending