Zeinab Harake may kinompronta nga bang babae sa loob ng isang bar? | Bandera

Zeinab Harake may kinompronta nga bang babae sa loob ng isang bar?

Therese Arceo - May 28, 2022 - 02:14 PM

Zeinab Harake may kinompronta nga bang babae sa loob ng isang bar?
USAP-USAPAN ngayon ang social media influencer na si Zeinab Harake matapos itong masangkot sa diumano’y gulo sa isang bar sa Quezon City.

Base sa mga kumakalat sa social media gaya ng Facebook, YouTube, at Twitter, may isang babae ang kausap ng mga pulis habang umuulan sa labas ng bar.

Marami sa mga netizens ang nagsasabing ang babae raw ay si Zeinab na nakasuot mask at jacket.

Mayroon ding mga TikTok video kung saan makikita itong may kausap na lalaki na nakasuot ng white polo.

Wala namang malinaw na detalye kung bakit may mga kausap si Zeinab na mga pulis ngunit may mga kumakalat na chika na mayroon daw kinompronta ang vlogger na babae sa loob ng bar.

Mabilis naman sa pagre-research ang mga netizens at inalam kung ano nga ba ang nangyari at agad nilang natagpuan ang babaeng kinompronta diumano ni Zeinab at nakilala ito bilang si Aira Lipata na may 1.7 million followers sa TikTok.

May mga nagsasabi rin na baka may kaugnayan ang babae sa dahilan ng pagkakahiwalay nila ng singer-rapper.

Agad namang tinanong ng mga netizens ang TikToker hinggil sa isyu ng diumano’y paninipa raw sa kanya ng naturang social media influencer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Hindi naman ito direktang sinagot ni Aira ngunit may pinost itong video na sinasabing “wag maniniwala sa fake news”.

Nag-post rin si Valentine Rosales na nakilala bilang isa sa mga huling nakasama ng namatay na flight attendant noong Enero 2021.

“”Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan! Di ka ba madaan sa maayos na usap? Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club.

Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko,” saad ni Valentine.

Sa kabila nito ay may mga netizens na nagtatanggol kay Zeinab at sinabing walang katotohanan ang mga kumakalat na chika ukol sa pamimisikal niya sa bar.

Hiningi naman namin ang panig ng social media influencer ngunit sa ngayon ay wala pa itong sagot sa aming mensahe.

Mananatili namang bukas ang BANDERA para sa panig ni Zeinab ukol sa isyung ito.

Related Chika:
Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending