Pa-tribute ni Pepe Herrera kay Susan Roces nakakaiyak: Naalala ko noong nagbigay ka ng sobre sa akin, nahiya ako kasi akala ko pera... | Bandera

Pa-tribute ni Pepe Herrera kay Susan Roces nakakaiyak: Naalala ko noong nagbigay ka ng sobre sa akin, nahiya ako kasi akala ko pera…

Ervin Santiago - May 24, 2022 - 06:46 AM

Pepe Herrera at Susan Roces

MARAMING pinaiyak ang Kapamilya comedia na si Pepe Herrera sa kanyang open letter para sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

In fairness, kahit kami ay naluha sa naging mensahe ng komedyante para sa movie icon na nagkasama nga sa unang mga taon ng “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Sa Instagram, ipinost ni Pepe ang litrato nila ni Susan Roces kasama ang iba pa nilang kasamahan sa action-drama series ng ABS-CBN na magpipitong-taon na ngayong 2022.

Si Pepe ay sumikat nang todo sa “Ang Probinsyano” bilang si Benny, ang original sidekick ni Coco bilang si Cardo Dalisay.

“Naalala ko noong binigyan mo ako ng shorts. Excited mong binigay sa ‘kin tapos sabi mo suotin ko agad. Pagbukas ko ng supot, may ‘fake pwet’ pala na nakadikit sa likod ng short at tawang-tawa ka noong sinuot ko. Ang sarap mo patawanin kasi parehas mababaw ang kaligayahan natin,” simulang paglalahad ng komedyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pepe Herrera (@pepe.herrera)


“Naalala ko noong nanood ka ng ‘Rak of Aegis’ kahit hindi siguradong makakapunta ‘yung ibang cast ng ‘Probinsyano.’

“Ikaw pa ang tumawag sa akin sa lobby at hindi ko makakalimutan ‘yung ngiti mo na abot tainga. Ang daming tao sa lobby noon, but you made an effort to approach and greet us,” pagbabalik-tanaw pa ni Pepe.

Patuloy pa niyang mensahe para sa yumaong aktres, “Naalala ko noong nagbigay ka ng sobre sa akin sa unang pagkakataon at nahiya ako kasi akala ko pera.

“Nagtaka ako kung bakit mo ako binibigyan ng pera. Pagbukas ko ng sobre, ginupit na news article pala ang laman kung saan nabanggit ang pangalan ko. Nakailang sobre din ako mula sa iyo.

“Puro news article na pinagkaingatan gupitin ng maayos. Tinago ko lahat. At pag-uwi ko, gusto ko buklatin ang safety box ko at balikan,” lahad pa niya.

Inamin din ng Kapamilya star na nagtampo sa kanya ang beteranang aktres noong umalis siya sa “Probinsyano.”

“Kaya noong nagkita tayo sa reunion, medyo kinabahan ako sa pagpasok sa kwarto mo para bumati. Nawala agad ‘yung kaba ko noong ang bungad mo sa ‘kin ay ‘Benny!’ na may ngiting abot tainga,” kuwento pa niya.

Marami pa raw siyang babauning pamana mula sa aktres habang siya’y nabubuhay kabilang na ang pagbibigay ng unconditional love sa mga katrabaho na walang involved na pera.

“Ang sarap tularan ng purity at work ethic mo Lola Flora. Kahit kailan, hindi kita nakitang gumamit ng cellphone sa set. At kahit noong sumama loob mo sa ‘kin, binigyan mo ako ng prutas.

“Pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal at pagaaruga na walang halong salapi at walang hinahangad na kapalit. Dadalhin ko hanggang pagtanda ang pagmamahal na pinamana mo sa amin.

“Yakap kita ng mahigpit at alam ko na yakap mo din kami ng mahigpit. Masaya ako at payapa ka na sa paglalakbay ngayon papunta sa Kanya.

“Pinapangako ko sa iyo, hindi namin sasayangin ang binhi na naitanim mo. Tuwing mababanggit ang pangalang Benny, ikaw, at ang iyong mga pamana ang una kong maaalala. I love you so much, Lola Flora,” ang huling bahagi ng kanyang pagpupugay sa pumanaw na Reyna ng Pelikulang Pilipino.

https://bandera.inquirer.net/306741/pepe-herrera-may-inamin-tungkol-kay-piolo-tulad-ni-papa-p-mahilig-din-ako-sa-halaman-at-sa-hayop

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305547/pepe-herrera-kering-keri-ang-pagiging-kakambal-ni-piolo-ok-lang-naman-normal
https://bandera.inquirer.net/305582/piolo-keribels-lang-maging-papa-p-ng-bayan-parang-awkward-pero-kesa-tawagin-kang-tito-ok-na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending