Kylie Verzosa malungkot pa rin sa hiwalayan nila ni Jake, Zanjoe magkakadyowa na? | Bandera

Kylie Verzosa malungkot pa rin sa hiwalayan nila ni Jake, Zanjoe magkakadyowa na?

Reggee Bonoan |May 19,2022
facebook
share this

Kylie Verzosa malungkot pa rin sa hiwalayan nila ni Jake, Zanjoe magkakadyowa na?

Reggee Bonoan - May 19, 2022 - 05:21 PM

Kylie Versoza malungkot pa rin sa hiwalayan nila ni Jake, Zanjoe magkakadyowa na?

“OKAY kami but no communication,” kaswal na sagot sa amin ni Kylie Verzosa sa tanong kung okay at kung nag-uusap sila ng ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca pagkatapos ng private screening ng pelikulang “Ikaw Lang Ang Mahal” kagabi sa Vertis North.

Sa sumptuous dinner sa Botejyu namin saglit na naka-tsikahan si Kylie at muli naming tinanong kung wala na sila ni Jake habang sinu-shoot niya ang “Ikaw Lang Ang Mahal”.

“Kami pa no’n, kaya nga nasagot ko naman ng maayos kanina (presscon) na malaking part si Jake sa journey ko sa movie. Malaki ang naitulong niya sa akin talaga that’s why I’m very thankful to him,” pahayag ni Miss International 2016.

‘Still hurting?’ kaswal na tanong namin kay Kylie.

“Yes! Hindi naman ganu’n kabilis di ba?” saad niya.

Nakangiti si Kylie sa lahat ng mga bumabati sa kanya na mahusay ang performance niya sa “Ikaw Lang Ang Mahal” at kasama na kami roon na panay naman ang pasalamat niya dahil finally nagustuhan na ang acting niya sa movie na talagang pinagbuti niya at inaral niya ang karakter niya bilang si Lira Alipato na kilalang nobelista na taga Sagada pero may pinagdadaanan sa buhay.

Kaya siguro kahit na anong papuri kay Kylie ng lahat sa cast party ay malungkot ang kanyang mga mata at gets na namin iyon dahil mending a broken heart pa rin siya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)

 

Samantala, kasama ni Kylie ang mga magulang niyang sina Ginoong Ari Verzosa at Gng Gemma Racquel Fausto na nanood ng pelikula nila ni Zanjoe Marudo at dinig na dinig naming puring-puri nila ang leading man ng anak.

Sabi ng daddy ni Kylie kay Direk Richard Somes, “ang ganda ng chemistry nila sa screen, ang ganda ng kuha mo. Gusto ko ‘yun, bagay sila.”

Sang-ayon din ang mommy ng aktres at nakangiti pa nga habang binanggit ang pangalan ni Zanjoe.

Kaya naman binanggit namin ito kay Kylie na narinig naming gusto ng parents niya si Z at may chemistry at bagay daw sila.

“Talaga? Haven’t talk to them, I will ask them later,” napangiting sagot ni Kylie sa amin.

Nakita naman namin si Zanjoe at ibinulong naming, ‘huy Z, boto sa ‘yo daddy ni Kylie, bagay daw kayo, may chemistry kayo.’

At natawa kami sa sagot ng aktor, “oo nga, pati nga mommy niya sabi rin ‘yun.”
Sabay tanong namin sa binata, “may girlfriend ka na?”

“Wala pa, pero malapit na,” mabilis nitong sabi.

Inginuso namin si Kylie kay Z, “close friends lang saka kaibigan ko si Jake, kaibigan ko silang dalawa.”

Bakit, tapos naman na sina Jake at Kylie, puwede naman di ba?

Anyway, totoo naman talaga na ang ganda ng chemistry nina Zanjoe at Kylie sa “Ikaw Lang Ang Mahal”. Totoo nga ang sabi ng aktor sa naunang mediacon na ngayon lang siya nagkaroon ng leading lady na hindi siya hirap kasi halos ka-level niya ang height unlike sa iba na kailangan niyang yumuko.

Gusto namin ang kuwento ng pelikula tungkol sa dayuhang filmmaker at nobelista na nagkatagpo sa isang lugar at dahil iisa ang kanilang hilig ay nagkagustuhan.

Ang ganda ng klima sa Sagada, lalo na ang napakagandang love scene nina Zanjoe at Kylie na ayon kay direk Richard ay madaling araw palang ay nakaabang na sila para kunan pagkagat ng liwanag dahil mabilis nga raw mawala ito lalo’t super lamig nasa 12 degrees pero nakayanan ng dalawang bida lalo’t hubo’t hubad sila.

Worth it ang hirap ng buong “Ikaw Lang Ang Mahal” Team sa dinanas nila sa location, nagandahan kami sa pelikula.

Bukod kina Zanjoe at Kylie ay ang huhusay ng mga kasama nila sa pelikula tulad nina Ronnie Lazaro, Lara Morena, Evangeline Pascual, Axel Torres, Cara Gonzales at Joel Torre mula sa direksyon ni Richard Somes produced ng Viva Films na mapapanood na sa Vivmax sa May 20.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
AJ, Sean pangarap makasali sa mga international filmfest: Gusto naming mapabilib ang mga tao

Zanjoe, Kylie wala nang ilangan nang gawin ang sex scene sa Sagada: Pareho kaming game!

Kylie Verzosa sa relasyon nila ni Jake Cuenca: Hindi ko po matatawag na failed relationship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending