AJ, Sean pangarap makasali sa mga international filmfest: Gusto naming mapabilib ang mga tao Bandera

AJ, Sean pangarap makasali sa mga international filmfest: Gusto naming mapabilib ang mga tao

Ervin Santiago |January 19,2022
share this

AJ, Sean pangarap makasali sa mga international filmfest: Gusto naming mapabilib ang mga tao

Ervin Santiago - January 19, 2022 - 08:07 AM

AJ Raval at Sean de Guzman

UMAASA ang tambalang AJ Raval at Sean de Guzman na mas makikilala pa sila bilang mahusay na artista at hindi lamang sa paghuhubad sa mga pelikula.

Sana raw ngayong 2022 ay makagawa sila ng mga proyekto kung saan mas maipakikita pa nila ang kanilang husay sa pag-arte bukod pa sa ultimate dream nila ma makapagbida sa international films.

In fairness, bukod sa mga pelikulang pinagsamahan nila — ang “Taya” at “Nerisa” last year — nakagawa rin sila ng iba pang projects sa Viva Films. At nito lamang pagpasok ng 2021 ay bida uli sila sina AJ at Sean sa action film ng Vivamax na “Hugas” sa direksyon ni Roman Perez.

“Napag-usapan namin ni AJ na siguro sa mga susunod na projects namin, gusto naming ma-recognize, kumbaga mapabilib namin yung mga tao sa acting namin at makasali tayo sa mga film festival. Yun talaga ang goal. 

“Gusto naming makasabak ng international someday. Gusto muna namin kumbaga matuto pa, makalap pa ng mga magiging bala kumbaga sa international film,” ang pahayag ni Sean sa virtual mediacon ng “Hugas” last Jan. 10. 


“Lahat naman ng mga ginagawa naming projects, ginagawa talaga namin lahat ng maibubuhos namin. Ginagawa naming passion talaga namin yung pinapakita namin. 

“So sana ma-appreciate nila yung mga manunuod and sana sa mga makaka-appreciate. Lagi naming tinotodo. Hindi na kami naiilang sa isa’t isa dahil may mga pelikula na kami na ginawa. 

“Siguro yung mga difference sa mga past projects namin, action ito tapos mas maangas yung mga madidikit ko na word sa pelikulang ito. Pinaghandaan talaga namin ito bago kami isalang ni direk. Nag-training kami, nagpakapagod muna kami bago kami sumalang sa mga eksena,” paliwanag pa ng palabang sexy actor.

Ayon pa sa binata, naniniwala sila ni AJ na hindi lamang sila mga sexy stars, “Sa pag-i-strip talaga kinakailangan diyan yung lakas ng loob talaga. Sa mga stunts mas okay kasi nakakagalaw ka ng malaki. 

“Kasi dancer ako so mas gusto na gumagalaw ng maraming galaw. Siguro yung mga nagawa namin na sexy scene, dahil na rin sa mga past projects namin, siguro mas lumalim yung love na makikiita du’n sa mga eksena na yun and mararamdaman niyo na nagmamahalan yung dalawang character na ginagampanan namin. 

“Lagi naman dapat may feelings kasi kailangan hindi lang tatagos sa mga character yung pakiramdam pero dapat maparamdam namin sa manuuod,” aniya pa.

Napapanood na ngayon ang “Hugas” sa Vivamax at kasama rin dito sina Cara Gonzales, Stephanie Raz, Deberly Bancore, Jay Manalo, Bob Jbeili at Joko Diaz. 

AJ, Sean hindi na nagtakip ng private parts sa love scenes: Wala na kaming pakialam kung makita!

AJ, Sean walang kyeme sa isa’t isa, game lang sa sex scenes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending