Pasaway na supporting actor biglang tsinugi sa pelikula dahil sa sobrang kaartehan | Bandera

Pasaway na supporting actor biglang tsinugi sa pelikula dahil sa sobrang kaartehan

Reggee Bonoan - May 16, 2022 - 05:18 PM

Mahulaan n’yo kaya kung sino ang pasaway na aktor?

DAHIL sa attitude ng isang supporting actor ay tuluyan nang pinatay ang karakter niya sa isang pelikula dahil ayaw nang makarinig ng bossing ng production ng mga reklamo lalo’t naghahabol sila sa playdate.

Ayon sa supporting actor ay kasama siya sa lead stars ng movie kaya tinanggap niya ang project kasi nga sikat siya noong kabataan niya, yan ang sabi niya.

In fairness, may limang shooting days siya pero dahil lock-in kaya need niyang mag-stay ng 20 days sa location, sa madaling salita 15 days siyang tengga.

Gusto nang umuwi ng supporting actor dahil wala naman daw siyang gagawin at hindi naman bayad ang mga araw na nakatengga siya.

Pero dahil may kontrata sila na kailangan sundin kaya gumagawa na lang ng isyu na dapat maaga siyang i-pack up dahil may trabaho pa siya.

“Nasa kontrata kung ilang oras ang shoot, bakit siya ang masusunod?  Nu’ng una okay na pinayagan na lang na on-call na lang kapag may eksenang kukunan, kakatukin. Ang kaso kapag sinusundo sa room niya ang tagal-tagal at nagpapahintay kasi busy siya may work,” tsika ng aming source.

Ending nagti-TikTok pala ang supporting actor at nakitang kaka-post lang nito ng mga ginawa niyang video kaya napakamot na lang sa ulo ang mga kaeksena at direktor ng pelikula.

Sumunod na eksena ay nakita ng supporting actor ang poster ng pelikula na hindi kasama ang pangalan niya na kahilera ng dalawang bida ng movie, bakit daw ganu’n, e, pangako sa kanya ay kasama siya.

Ipinaliwanag na ‘yung dalawang bida ang nasa taas at susunod ang mga supporting stars. Hindi pumayag ang supporting actor dahil yun daw ang pangako sa kanya.

Ending may isang araw pa sana siyang shoot bilang dagdag sana para maging six days shoot.  Hindi na siya kinunan at may mga in-edit pang eksena niya sa sobrang irita sa supporting actor.

“Mag-TikTok na lang siya forever tutal mas binibigyan niya ng importansya ‘yun.  Saka for the record ha, hindi siya kasikatan nu’ng kabataan niya at higit sa lahat mas sikat ‘yung ka-loveteam niya kaysa sa kanya,” tsika pa ng aming source.

* * *

Isang bagong bersyon ni KD Estrada ang matutunghayan sa digital video magazine ng Star Magic na “Flex,” kung saan tampok ang Kapamilya rising star bilang kauna-unahang cover boy.

“Mas mature na KD na ang makikita niyo rito. Dati kasi bini-build up ako as the ‘Boy Next Door’ o yung cute na teenager. Ngayon, ready na ako mag-level-up.

“Hindi naman ibig sabihin ay sasabak na ako sa mas mature na role pero for sure mas marami pa akong bagong maipapakita sa viewers,” saad niya sa media conference ng “Flex.”

Nais din niyang baguhin ang tingin o konsepto ng mga tao tungkol sa pagkalalaki. Naalala rin niya kung ano ang inaasahan ng mga tao sa mga kalalakihan noong kanyang pagkabata.

“Naalala ko noong bata ako na bawal umiyak ang mga lalaki. Tinuro sa amin na ang pag-iyak ay hindi nakakalalaki.

“Hindi namin pwede ipakita yung nararamdaman namin. Dapat lagi kang maangas at ipakita mo na dominante ka. Para sa akin, hindi na dapat ganun ang tingin ng tao ngayon,” pagbabahagi niya.

“Para sa akin, ang bagong bersyon ng pagkalalaki ay yung yinayakap mo yung sarili mo bilang isang lalaki. Kahit anong identity ka pa. Mapa-bakla, straight, feminine, o masculine.

“Pwede kang maging kahit anong gusto mo basta wala kang sinasaktang tao. Dapat yakapin at mahalin mo ang sarili mo kahit sino ka pa,” saad niya sa media conference ng “Flex,” dagdag niya.

Makakasama naman ni KD sa “Flex” video magazine ang dating “PBB” housemates na sina Andrei King, Laziz Rustamov, at Aleck Iñigo, dating Bidaman contestant na si Wize Estabillo, at Star Magic artist Anthony Barion na maglalaban-laban sa kumu, Facebook, at KTX sa loob ng dalawang linggo.

Tanging ang apat na may pinakamaraming boto ang mag-aadvance sa huling linggo at may tsansang makuha ang sariling layout sa naturang digital video magazine.

Suportahan ang limang Star Magic artists sa kanilang campaign na magsisimula ngayong Lunes (Mayo 16). Abangan naman ang unang isyu ng “Flex” na mapapanood sa YouTube Channel ng Star Magic.

https://bandera.inquirer.net/299640/aktres-iwas-iskandalo-kaya-binura-ang-ig-account-baka-itigil-ang-suporta-ng-dyowang-aktor

https://bandera.inquirer.net/280572/sharon-nakiusap-sa-diyos-hindi-ko-na-kaya-tita-fanny-is-now-on-life-support

https://bandera.inquirer.net/310903/gab-valenciano-pumalag-sa-basher-na-gusto-siyang-mawala-not-my-fault-if-youre-miserable

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending