Alden feeling nostalgic nang makatrabaho si Bea: Idol ko yan! Ngayon kaeksena mo na, seryoso ba 'to?! Bandera

Alden feeling nostalgic nang makatrabaho si Bea: Idol ko yan! Ngayon kaeksena mo na, seryoso ba ‘to?!

Ervin Santiago |May 14,2022
share this

Alden feeling nostalgic nang makatrabaho si Bea: Idol ko yan! Ngayon kaeksena mo na, seryoso ba ‘to?!

Ervin Santiago May 14, 2022 - 08:36 AM

Bea Alonzo at Alden Richards

MATAPOS lumabas ang ilang BTS o behind-the-scenes photos at videos na kuha sa lock-in taping ng upcoming Kapuso series na “Start-Up”, mas lalo pang na-excite ang mga fans nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Ngayon pa lang ay talagang abangers na ang mga manonood sa Pinoy version ng hit Korean series na “Start-Up” na pagbibidahan nga ng Asia’s Multimedia Star at ng tinaguriang Drama Queen ng kanyang henerasyon.

Sa report ng “24 Oras” kamakailan, ipinasilip ng production ang ilang iconic scenes sa serye pati na ang panayam sa dalawang lead stars nito na super excited na rin sa kalalabasan ng una nilang project together.

Pahayag ni Alden patungkol sa bago niyang leading lady, “We did quite a lot of workshops, madali rin naman kasing pakibagayan. I mean we talked a lot off-cam.”

Para naman kay Bea, naging komportable agad siyang katrabaho ang Kapuso Drama Prince at simula pa lang ng kanilang taping ay nagkaroon agad sila ng connection playing their respective roles.

“Playful siya sa set, of course I knew that before pero extra playful siya rito. Maybe because ano n’ya ito, matagal na niyang tahanan ang GMA. So, he’s very comfortable around everyone. He is very playful that way,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Sey naman ni Alden, “Kanina when we were doing a scene sabi ko, Idol ko ‘to dati, eh. I mean this very talented woman.

“I used to look up to her noong hindi pa ako artista. Mayroon lang na nostalgic feeling na parang wow ngayon kaeksena mo na, seryoso ba ‘to?” chika pa ng award-winning actor.

Gagampanan nina Alden at Bea ang mga karakter nina Tristan “Good Boy” Hernandez (Han Ji-pyeong) at Danica “Dani” Sison (Seo Dal-mi) sa serye na pagtatagpuin ng tadhana sa gitna ng pagtupad sa kanilang mga pangarap sa buhay.

Sa lahat ng mga nakapanood ng Korean version ng “Start-Up”, posibleng magkaroon ng ilang pagbabago sa original na kuwento dahil nabigyan nga ang GMA ng kalayaan na mas mapaganda ang kuwento para mas maka-relate ang Pinoy viewers.

* * *

Iba’t ibang parte ng katawan na may kakaibang talento ang bibida sa next episode ng “The Best Ka!” hosted by Mikael Daez.

Ngayong darating na Linggo  mapapanood ang talento ng iba’t ibang mga tao gamit mismo ang parte ng kanilang katawan.

Samahan si Mikael at ang pinakabagong best na si Analyn Barro sa isa na namang exciting na episode ng programa sa bago nitong timeslot.

Sabay-sabay na tunghayan ang kanilang pagpapakitang gilas sa “The Best Ka!” ngayong darating na Linggo, 10:05 a.m. sa GMA 7 lang.

Bea nagsimula nang mag-taping para sa ‘Start-Up’, promise sa fans: May bongga siyang Filipino twist

Bea ipapasok daw sa serye nina Alden at Jasmine; Gerald kinampihan ni RR Enriquez

‘Start-Up’ nina Alden at Bea lelebel sa ‘Descendants of the Sun’ nina Dingdong at Jennylyn

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending