Blaster Silonga sa ‘pagkatalo’ ni VP Leni: Dapat pala anak na lang siya ng dictator
SINAGOT ng isa sa mga miyembro ng IV of Spades na si Blaster Silonga ang patutsada ng mga BBM supporters na ang dahilan daw kung bakit natalo si Vice President Leni Robredo ay dahil sa negative campaigning.
Sa kanyang Twitter acccount ay tila may patutsada siya hinggil sa hindi matapos tapos na paratang ng mga anti-Leni supporters sa kasalukuyang bise presidente.
“Sayang, dapat pa naging anak na lang siya ng dictator na maraming human rights violation,” umpisa ni Blaster.
Dagdag pa niya, “Tapos nanahimik na lang siya at hindi nag-attend ng debate baka nanalo pa siya kung ganon.”
Base kasi sa lumabas na partial at unofficial results ng naganap na botohan ay milyon ang agwat ng mga bumoto kay Leni at bumoto kay Bongbong.
“Kaya natalo si Leni dahil sa negative campaining niya”
Sayang dapat pala naging anak nalang siya ng Dictator na maraming human rights violation tapos nanahimik nalang siya at hindi nagattend ng debate baka nanalo pa siya kung ganon. :)))))))
— BLASTER (@Bsilonga) May 11, 2022
Agad namang umani ng komento ang naturang tweet ni Blaster mula sa mga netizens.
“Ang nakikita nila ay yung sinasabi nilang paninira which is hindi naman. Tinanong siya kaya sumagot siya. Yun ang nakikita nila pero yung good side ni Leni, yung nagawa niya para sa mamamahan, yung inalay niyang paglilingkod na tapat hindi man lang nakita?” reply ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Yan ang eksaktong sinabi sakin ng mga kaibigan kong last minute nag shift sa kampo nila bbm. ” sawa na kami marinig mga paninira. Pagbabago ng sistema ng bansa hanap namin di ang pag ganti sa mga marcos” yan ang di nyo narealized kaka focus nyo sa mga marcos.”
“Sad truth. Gusto po nila ngayon mga magnanakaw na eh. We need a reboot in strategy for liberal democracy to catch up and win against populism/authoritarianism,” dagdag pa ng isa.
Kamakailan rin ay naging usap-usapan si Blaster matapos niyang sagutin ang panawagan ng kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex.
Hiniling kasi nito na sana ay magkabati-bati na ang lahat at tapusin na ang bangayan dahil sa politika.
“Seryoso ka ba? hahahaha” sagot ni Blaster sa tweet ng vlogger-actress.
Isa si Blaster sa mga artistang tumindig noong panahon ng pangangampanya at nagpakita ng suporta para kay Leni Robredo.
Related Chika:
Hugot ni Vice para sa Eleksyon 2022: Ang tagal-tagal na nating talo, ipanalo naman natin ang isa’t isa!
Alex hiling na tapusin na ang bangayan sa politika, Blaster ng IV of Spades humirit: Seryoso ka ba?
Kim Chiu naiyak sa mensahe ni Leni Robredo: Made my birthday complete!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.