Hugot ni Vice para sa Eleksyon 2022: Ang tagal-tagal na nating talo, ipanalo naman natin ang isa’t isa! | Bandera

Hugot ni Vice para sa Eleksyon 2022: Ang tagal-tagal na nating talo, ipanalo naman natin ang isa’t isa!

Ervin Santiago - April 24, 2022 - 07:52 AM

Vice Ganda

INILANTAD na rin ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda ang tunay niyang “kulay” nang rumampa sa campaign rally ng presidential candidate na si Leni Robredo.

Si Vice mismo ang nanguna sa pagkanta ng “Happy Birthday” para sa 57th birthday ni Vice President Leni sa ginanap na political event sa Diokno Boulevard, Pasay City kagabi, April 23.

Pero bago ibinandera ng TV host-comedian ang pagsuporta kay VP Leni, hinandugan muna niya ng song number ang lahat ng Kakampinks na dumalo sa rally.

Suot ang kanyang all-pink ensemble with matching kapa, ipinagsigawan ni Vice ang kanyang pagsuporta kay VP Leni, “Ang regalo ko sa sambayanang Pilipino ay ang boto ko kay Leni Robredo.

“Madlang pipol, sa gabing ito opisyal kong ineendorso ang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas, Leni Robredo! Maligayang kaarawan po.

“Opo, ako po si Jose Marie Borja Viceral, kilala niyo sa pangalang si Vice Ganda, naniniwala kay Leni Robredo. Kapag si Leni Robredo ang ating ibinoto, tayong mga Pilipino ang mananalo!

“Tuwing eleksyon na lamang, lagi tayong nagsasama-sama para magpanalo ng kandidato. Dapat magpanalo tayo ng mga sarili natin, ng pamilya natin, at ng bansa natin!

“Tayo dapat ang manalo! Mga bata pa lamang tayo, pag naglalaro tayo, gusto natin kahit sa laro, tayo ang manalo, di ba?

“Kapag sumasali tayo sa mga patimpalak nung nag-aaral pa lang tayo, gusto natin tayo ang nananalo, di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Kapag sumasagot tayo sa mga pagsusulit sa mga eskuwelahan, gusto natin tama ang sagot natin,” deklara pa ni Vice.

“Kay Leni Robredo, tayo ang panalo. Kay Leni Robredo tama tayo. So, bakit hindi natin kukunin ang pagkakataon na ‘to para gumanda at gumawa ng desisyon na tama?

“Tayo naman ang manalo. Si Leni Robredo ang magpapanalo sa atin. Siya, si Leni Robredo! Ang tagal-tagal na nating talo! Ipanalo naman natin ang isa’t isa.

“Si Leni Robredo ang mangunguna para sa grupo na magpapanalo sa atin. Para sa lupon ng mga tao na magpapanalo sa atin.

“Hirap na hirap na kayo. Hindi ko na isasama ang sarili ko dahil magpapakaplastik ako dahil sasabihin mo, ‘Gago, mayaman ka na!’

“Totoo naman, nakaipon-ipon na ako, pero ang nakararami at pangkaraniwang Pilipino, hirap na hirap na.

“Ang dami sa inyo ang hindi na magkandatuto sa pag-iisip kung paano ninyo babawiin o babayaran ang mga utang ninyo. Kaya si Leni Robredo, tutulungan niya tayo.

“Tutulungan niya ang nakararami na mabayaran ang mga utang ninyo sa pamamaraang hindi niya nanakawin ang para sa inyo.

“Kaya maraming Pilipino ang mahirap dahil ninanakawan tayo ng pagkakataon na muling makabangon. Ninanakawan tayo ng pagkakataon na muling makakuha ng pagkakataon para tumayo mula sa pagkakalugmok.

“Hindi siya magpapayaman dahil tutulungan niya tayo para makabangon,” litanya pa ng komedyante.

Ang iba pang big stars na dumalo sa kampanya ni VP Leni bukod kay Vice ay sina Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Angel Locsin, Julia Barretto, John Arcilla at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/307859/mga-anak-ni-vp-leni-kinilig-kay-daniel-sino-naman-kaya-ang-pambato-ni-kathryn-sa-eleksyon-2022

https://bandera.inquirer.net/311310/kim-chiu-naiyak-sa-mensahe-ni-leni-robredo-made-my-birthday-complete

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/310835/janno-rumesbak-sa-nagsabing-kapit-siya-kay-leni-robredo-para-sa-kapamilya-franchise-banned-po-ako-sa-abs-cbn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending