Lolit Solis hinagilap ang mga stars na ubod ng yabang: Huwag masyadong righteous!
KASALUKUYANG hinahagilap ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ang mga celebrities na hayagang nag-endorso ng kanilang mga kandidato sa nagdaang kampanya.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa mga ‘ubod ng yabang’ na mga celebrities.
“Gusto kong makita ngayon ang mga stars na ubod ng yabang sumuporta sa kanilang mga kandidato Salve,” panimula ni Lolit.
Rason niya, gusto raw niyang makita kung paano tanggapin ng mga ito na wala silang naitulong para “manalo” ang sinuportahang kandidato.
“Gusto ko na makita paano nila tatanggapin na wala pala silang naitulong para manalo ang ini-endorse nila. Para bang isa pa sila sa naging minus factor dahil nga ikinainis ng tao ang yabang ng dating nila,” pagpapatuloy ni Lolit.
Bagamat walang tinutukoy kung sinong kandidato ang sinusuportahan ng mga “celebrities” na kanyang tinutukoy ay mukhang ang tinutukoy nito ay ang mga supporters ni Vice President Leni Robredo base na rin sa larawan na kalakip ng kanyang post.
View this post on Instagram
Sey pa ni Lolit, nawa’y maging aral raw ito sa mga artista.
“Maging aral sana ito sa mga artista na bigyan ng dividing line ang role nila as showbiz at pagsali sa pulitika. Puwede na pinapanuod kayo sa rally, sinusundan ng mga tao, pero hindi nakikinig sa mga sinasabi ninyo.
Hirit pa ni Lolit, “Saka huwag masyadong righteous ang dating, masakit sa tainga, kainis. So ngayon dapat hinay hinay lang. Puwede suporta, pero huwag OA.”
Matatandaang ang presidential candidate at frontrunner na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sinusuportahang kandidato ni Lolit Solis.
Related Chika:
Chito: Eto ako, 46 years old, hindi pa rin gwapo, pero tingnan n’yo naman…ang ganda, successful at sobrang bait ng asawa ko
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.