Chito: Eto ako, 46 years old, hindi pa rin gwapo, pero tingnan n'yo naman...ang ganda, successful at sobrang bait ng asawa ko | Bandera

Chito: Eto ako, 46 years old, hindi pa rin gwapo, pero tingnan n’yo naman…ang ganda, successful at sobrang bait ng asawa ko

Ervin Santiago - May 09, 2022 - 07:16 AM

Chito Miranda at Neri Naig-Miranda

DIRETSAHANG inamin ng award-winning singer-songwriter na si Chito Miranda na may taglay din siyang “yabang” sa totoong buhay.

Pero agad naman niyang nilinaw na ang “kayabangan” niya ay hindi yung tipong nagpi-feeling superstar siya o yung akala mo’y alam na niya ang lahat-lahat ng bagay sa mundo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post na naman ng positibong hugot ang frontman ng bandang Parokya ni Edgar para ipaalam sa buong universe kung gaano siya kasuwerte sa buhay, lalo na sa kanyang misis na si Neri Naig-Miranda.

Nagbahagi si Chito ng litrato nila ni Neri together na may caption na, “Tanggap ko naman mula pa nung bata pa ako na hindi ako gwapo eh…but what I had, was more important than good looks.

“Meron akong yabang. Hindi yung yabang na nagmamataas ako to make others feel that they were beneath me.

“Yung yabang ko, was naniniwala ako sa sarili ko na kaya kong gawin kung ano man ang trip kong gawin. Kumbaga, malakas lang talaga loob ko,” simulang mensahe ni Chito.

Inalala pa niya ang ilang tagpo sa kanyang high school life, “Nu’ng 4th year highschool ako, kahit di ako marunong kumanta, nagbuo ako ng banda.

“Si Gab talaga yung magaling kumanta…pero mas malakas loob ko kaya ako ang inassign ko bilang bokalista hahaha!” pagbabalik-tanaw pa ng OPM icon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Ngayon, eto ako, 46yrs at old, wala nang bangs at hindi pa rin gwapo, pero tingnan nyo naman, ang ganda ng asawa ko, sobrang bait at sobrang successful, at ang gugwapo ng mga anak ko.

“Maayos ang buhay, at higit sa lahat, masaya. Again, another thing na proud akong ipagyabang,” sey ni Chito.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, inamin din niya na tulad ng lahat ng tao, may mga kahinaan at kalakasan din siya bilang lalaki pero ang mahalaga ay kung paano tayo lalaban at magpapakatatag.

“We all have our strengths and weaknesses, we all have disadvantages, some, more than others…but it’s up to us to fight through it, and make something out of what we have,” pahayag ni Chito.

https://bandera.inquirer.net/281494/bakit-nga-ba-nawala-si-chito-at-ini-report-sa-pulis-ng-pamilya-at-mga-kaibigan-noong-2010

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302870/kristine-kay-oyo-gwapo-ka-sa-lahat-ang-sarap-mong-kasama-sa-buhay-i-love-you-so-much
https://bandera.inquirer.net/284892/andrea-tinangkang-pormahan-nina-jk-darren-at-grae-ion-nagbago-ang-itsura

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending