Alden posible nga bang ma-in love kina Andrea, Belle at Jane?

Alden posible nga bang ma-in love kina Andrea, Belle at Jane?

Ervin Santiago - May 13, 2024 - 11:50 AM

Alden posible nga bang ma-in love kina Andrea, Belle at Jane?

Alden Richards, Jane de Leon, Belle Mariano at Andrea Brillantes

KAHIT sinong babae ang mapipili ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na maging girlfriend ay siguradong napakaswerte!

Agree kami sa sinabi ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis patungkol sa future lovelife ni Alden na ini-link ngayon kay Kathryn Bernardo.

Baka Bet Mo: Sharon tulad ni Alden ang type mapangasawa ng mga anak: Kahit kay Miguel pa!

Sa kanyang Instagram post, nabanggit ni Manay Lolot na hindi niya akalaing magiging exciting ang panunukso kina Alden at Kath.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nu’ng una hindi pinapansin pero habang tumatagal nagkakaruon na ng ingay at excitement sa marami. Kaya masarap na single ka at walang comittment dahil kahit kanino puwede ka ipareha.

“Masarap din na single ka dahil exciting pag meron ili link sa iyo. Kaya siguro hangga ngayon mas gusto ni Alden Richards na maging single muna.

“Tignan mo puwede siya ipareha sa sinuman single din na babae. Saka hindi naman dapat magmadali lalo pa nga at successful naman ang career mo, guwapo ka at wala naman expiration date ang isang lalaki,” ang bahagi ng caption ni Manay Lolit sa ipinost niyang litrato ng tambalang KathDen.

Baka Bet Mo: Alden na-depress, feeling walang silbi: Buti na lang po, hindi ako nagdroga

Patuloy pa niya, “Si P’noy Aquino nga single nabuhay pero naging achiever naman. At hangga huli hindi nalimutan iyon mga romantic linking niya.

“Kaya naman dapat huwag magpa pressure si Alden Richards sa mga mapilit na magkaruon na siya ng lovelife. Kung wala pa siya mapili ok lang, no rush. Hindi kailangan magmadali.

“Take his time. Pinaka number one parin good catch si Alden Richards among all bachelors. Guwapo, bata, financially stable at popular,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hirit pa ng talent manager, “Talagang kahit sino piliin niya magiging big news at kai inggitan ng lahat. Kung puwede nga lang sana na iyon mga favorite ladies ko ang piliin ni Alden, naku magiging very happy ako.

“Imagine mo kung si Andrea Brillantes, Belle Mariano at Jane de Leon ang maging choice niya, bongga di ba?! Pangarap lang po, huwag maging violent ang reaction.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta kung sino piliin ni Alden, go go, boto ako, promise,” sey pa ni Manay Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending