Sharon tulad ni Alden ang type mapangasawa ng mga anak

Sharon tulad ni Alden ang type mapangasawa ng mga anak: Kahit kay Miguel pa!

Ervin Santiago - December 05, 2023 - 12:36 PM

Sharon tulad ni Alden ang type mapangasawa ng mga anak: Kahit kay Miguel pa!

Alden Richards at Sharon Cuneta

KUNG mag-aasawa ang kanyang mga anak, gusto ni Sharon Cuneta na maging katulad ito ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Naniniwala ang nag-iisang Megastar na magiging mabuting asawa si Alden dahil bukod sa napakabait nito ay napakasipag at napakaresponsable pang tao.

Sa naganap na presscon ng kanilang Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Family Of Two (Mother And Son Story), natanong si Mega kung anong mga qualities ang gusto niya sa isang tao na pwedeng mapangasawa o maging partner ng kanyang mga anak.

“Para sa akin yung tulad ni Alden, lahat kasi na kay Alden. Kung ganyan ang magiging asawa ng sinuman sa mga anak ko, kahit si Miguel pa! Ha-hahaha! Okay lang sa akin.

Baka Bet Mo: Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?

“Alam n’yo naman ako, kung saan maligaya ang mga anak ko. Support lang ako. But you know, kasi si Alden kuya nila, e. Yung panganay ko naman, may sariling buhay na rin, may honey na rin siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Naku! Lung pwede lang mag-produce pa ng isa para sa ‘yo! Ha-hahahaha!

“Oh, my God, any mother, I think, would be just so blessed to have this boy as a son-in-law. No, really, from the bottom of my heart, because he’s so responsible, he is like me,” sabi pa ni Mega.

Samantala, maluha-luha namang nabanggit ni Sharon na parang tunay na anak na talaga niya si Alden. In fact, feeling niya mas anak pa niya ito sa totoong buhay.

Sa pelikula nila, gaganap na anak ni Mega si Alden kung saan namatay ang tatay nito noong 5 years old pa lang siya. At kahit single parent ay napagtapos niya ang anak at nang gusto na nitong magsarilii ay nahirapan siyang tanggapin.

Baka Bet Mo: Alden na-depress, feeling walang silbi: Buti na lang po, hindi ako nagdroga

“I can relate with my character as I’ve experienced it twice. First was when KC (Concepcion) studied in Europe, then when Frankie (Pangilinan) to study in New York.

“Next year, it would be Miel’s turn to leave for abroad. Miguel is 14 now and in another four years time, he’ll also study abroad,” pagbabahagi ni Sharon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento pa niya sa pagsasama nila ni Alden sa “Family Of Two”, “From the start, I really felt anak ko siya talaga. And I realized kung sino yung mga sikat talaga, siya pang very humble.

“So easy to get along with. Even my own kids said that we are so alike. And it’s true, we think along the way way. He’s like a male Sharon and I’m a female Alden,” aniya.

Inamin naman ni Mega na iba ang pagmamahal niya kay Alden dahil feeling niya ipinagbuntis at isinilang niya ang aktor, “Let me tell you, si Miles (Ocampo) anak ko rin ‘yan. Not everybody becomes my anak. Lahat anak-anakan mo, pero ilan lang naman ang nagiging close sa ’yo talaga.

“Si Julia (Montes). Si Miles. Si Alden. Sina Alden at Coco (Martin) ang dalawang boys ko lang. Mas naging close si Alden sa akin. Si Coco kasi, genius `yon, eh. Ha-hahaha! Masyadong busy para maalagaan.

“Pero si Alden…my kids told me this na, ‘Mom parang Kuya Alden is more like you, than any of us.’ Sabi ko, ‘You know what, you’re right, we have so much in common.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We are so alike, it’s very weird, in a good way. The way we think, workshops pa lang namin, parang sinilang ko siya,” ani Shawie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending