Robin sa pagiging No. 1 sa senatorial race: Wala po akong makinarya at pera…hindi ko po inaasahan ito
AMINADO ang action star na si Robin Padilla na hindi niya inaasahan na siya ang mangunguna sa lahat ng mga tumatakbong senador ngayong 2022 elections.
As of 7 a.m. ngayong araw, May 10, nasa number one spot pa rin ang mister ni Mariel Rodriguez habang nasa pangalawang puwesto naman si Loren Legarda sa senatorial race.
Ayon kay Binoe, wala siyang sapat na makinarya at pera sa pangangampanya at sa katunayan, kung hindi kami nagkakamali hindi rin siya naglabas ng campaign ad sa telebisyon dahil nga kapos sa budget.
“Wala po akong inaasahan kahit ano. Unang-una, wala po akong kahit ano. Wala po akong makinarya, wala po akong kahit ano… pera. Wala. Hindi ko po inaasahan ito.
“Ang akin lamang po ay paninindigan. Ang akin lamang po ay nananalig po ako sa Panginoong Diyos at tulung-tulong lang po ng mga naniniwala sa akin.
“Tulong ng katipunan, tulong ng mga rebolusyonaryo. Yun lang po, wala akong inaasahan,” ang pahayag ni Binoe sa panayam ng broadcast journalist na si Jessica Soho.
View this post on Instagram
Sa tanong kung ano ang naging dahilan ng pagiging number one niya sa laban, “Naniniwala po ako na yung plataporma ko na charter change, yung federalismo, yung pagbibigay ng kapangyarihan sa mga lalawigan, bigyan sila ng kalayaan, sila po ay makagawa ng ayon sa kanilang kultura, tradisyon, kapaligiran, dun po ako naniniwala.
“Hindi po ako nangungumbinsi nang dahil kay Robin Padilla. Malabo pong mangyari…” aniya pa.
Mensahe naman niya sa lahat ng bumoto sa kanya, “Ako po ay nagpapasalamat sa lahat po ng mga nagtiwala sa atin. Sa lahat po ng lumabas, bumoto para po sa akin, at naging matagumpay po ang eleksyon na ito.
“Ang pakiramdam ko po ay masaya, siyempre po, pero mas higit po yung responsibilidad na nakaakibat po sa atin sapagkat alam ko naman po, batid ko naman po na itong tagumpay na ito, hindi po ito patungkol kay Robin Padilla kundi tagumpay po ito ng reporma.
“Yun pong ating ipinaliwanag na patungkol po sa pagpapalit ho ng saligang batas, yung charter change. Yun po ang plataporma natin na inihayag sa taumbayan,” sabi pa ng future senator.
https://bandera.inquirer.net/304682/robin-sawang-sawa-na-sa-kakaendorso-ng-politiko-kaya-tumakbo-nawalan-ng-trabaho-dahil-kay-duterte
https://bandera.inquirer.net/298805/kylie-naiyak-nang-tanungin-ni-robin-so-wala-ba-talagang-pag-asa
https://bandera.inquirer.net/302601/sikat-na-aktor-pinapatulan-na-kahit-anong-role-para-lang-kumita-at-mabuhay-ang-pamilya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.