Alyssa Muhlach isinakripisyo ang muling pagsali sa beauty pageant: Next time na ang korona, KathNiel muna! | Bandera

Alyssa Muhlach isinakripisyo ang muling pagsali sa beauty pageant: Next time na ang korona, KathNiel muna!

Ervin Santiago |May 09,2022
facebook
share this

Alyssa Muhlach isinakripisyo ang muling pagsali sa beauty pageant: Next time na ang korona, KathNiel muna!

Ervin Santiago - May 09, 2022 - 10:09 AM

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Alyssa Muhlach

MAS pinili ng Kapamilya actress at beauty queen na si Alyssa Muhlach Alvarez na makatrabaho ang tambalang KathNiel kesa sa pagsali sa national beauty pageant.

Balak sanang mag-join uli ang itinanghal na Miss Reina Hispanoamerica Philippines sa Miss World Philippines 2018 sa isang pageant pero isinantabi muna niya ito this year.

Ayon sa anak ng aktres na si Almira Muhlach at sa dating basketball superstar na si Paul Alvarez, nagbago ang plano niya nang makatanggap ng bagong offer mula sa ABS-CBN.

“Next time na ang korona, KathNiel muna!” ang tumatawang pahayag ni Alyssa sa naganap na press launch ng upcoming Kapamilya teleserye na “2 Good 2 Be True” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alyssa Muhlach Alvarez (@alyssamuhlach)


Inamin ni Alyssa na matagal na niyang pangarap na makasama sa isang project ang magdyowa kaya nang malaman niyang makakasama siya sa “2 Good 2 Be True” ay talagang abot-langit ang kaligayahan niya.

Pahayag pa ng dalaga, hinding-hindi niya malilimutan ang naging experience niya bilang co-star nina Kathryn at Daniel sa reunion movie ng reel and real life lovers.

“Lahat kami, we can say that we are so honored to work with KathNiel. Actually, ako rin kasi, iyan ‘yung sinabi ko sa KathNiel, ‘Napanood ko kayo growing up!’

“Kasi, magka-age kami kaya literal na when I come home from school, sila talaga ‘yung pinapanood namin sa TV, sa serye,” chika pa ni Alyssa.

Kasunod nito, naikuwento nga ng aktres nang minsang magkachikahan sila ni Kathryn tungkol sa plano niyang sumali uli sa beauty pageant ngayong 2022.

“Naalala ko, ikinuwento ko kay Kath, I was actually thinking of joining another pageant this year. Pero sabi ko, ‘Next time na ang korona, KathNiel muna!’” sey ng dalaga.

Hindi sinuwerte si Alyssa nang lumaban siya sa Miss Reina Hispanoamerica noong 2018 at very open naman siya sa pagsasabing pwede pa naman siyang sumali uli sa iba pang national pageant.

Hindi naman niya nabanggit kung sa Miss Universe Philippines o Binibining Pilipinas niya gustong mag-try uli.

Samantala, excited na si Alyssa sa nalalapit na pagpapalabas ng “2 Good 2 Be True” sa iba’t ibang Kapamilya platforms.

Gaganap siya rito bilang isa sa mga kontrabida pero diin ng aktres, “Hindi naman malala yung pagiging kontrabida. Malalaman na lang nila sa story kung saan nanggagaling yung character ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unang mapapanood ng mga KathNiel fans ang reunion series nina Daniel at Kathryn sa Netflix sa May 13 and after 72 hours (three days) pwede na itong matunghayan sa free/pay TV.

Maureen Wroblewitz nag-sorry sa ‘pagsisinungaling’ tungkol sa pagsali sa Miss Universe PH 2021

Alyssa, Anji waging Top 2 sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage, Samantha nagbabu na

Alyssa Valdez matapang na nagpahayag ng suporta kay VP Leni, handa nang harapin ang haters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending