Baron atat na atat gumanap na Juan Luna: Interesado ako sa pagkatao niya, he’s such a complex person | Bandera

Baron atat na atat gumanap na Juan Luna: Interesado ako sa pagkatao niya, he’s such a complex person

Ervin Santiago |May 08,2022
facebook
share this

Baron atat na atat gumanap na Juan Luna: Interesado ako sa pagkatao niya, he’s such a complex person

Ervin Santiago - May 08, 2022 - 06:35 AM

Juan Luna at Baron Geisler

KUNG may isang dream role na gustung-gustong gampanan ng magaling na kontrabidang aktor na si Baron Geisler, yan ay walang iba kundi ang hostorical figure na si Juan Luna.

Bilib na bilib daw si Baron sa talino, diskarte at talento ng Filipinong pintor (Spolarium), political activist at nakatatandang kapatid ni Heneral Antonio Luna.

Sa ginanap na online presscon ng Viva Films para sa upcoming sex-action suspense movie na “Pusoy”, nabanggit ng aktor na matagal ba niyang pangarap ang makapag-portray ng isang historical personality sa isang theater play at pelikula.

“I’ve been talking to some artists and I’ve already talked to Direk Chris Millado. I want to play Juan Luna. That’s my dream role,” kuwento ni Baron.

May mga kinakausap na raw siyang mga tao na puwedeng makipag-collaborate sa kanya para sa pagpo-produce ng naiisip niyang “Juan Luna” project.

“Me and Mijan Jumalon (kilalang visual artist), we’re going to meet next month and collaborate,” aniya.

At knows n’yo ba na gumawa na rin siya ng pag-aaral tungkol sa life story ni Luna during the 19th century.

“Kasi napag-aralan ko na po ’yung story. I watched videos, I watched documentaries, and read of him, and I’m very interested sa pagkatao niya. He’s such a complex person,” lahad ni Baron.

“Plus, he was the first artist…painter na nilagay tayo sa mapa. Nanalo siya sa Spain and actually natalo pa niya ’yong mentor niya,” chika ng aktor na ang tinutukoy ay ang masterpiece ni Luna na “Spoliarium” na naka-display sa National Museum of the Philippines sa Maynila.

Naniniwala ang aktor na magagampanan niya nang bonggang-bongga ang makulay na karakter ni Juan Luna ay ipinagmalaki pa niya na marunong din siyang magsalita ng Spanish tulad ni Juan Luna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)


“Isa ’yun sa mga pangarap kong gawin kasi kahit paano I could speak a little bit of Spanish if I want to and then ’yong French piwede naman aralin,” pahayag pa ng aktor.

“Sabi ko nga, this would work if it’s done well. Pero kung gusto i-produce ng Viva, kasi from playwright, si Dr. Nicanor Tiongson, will do the play. And after that, there’s transition to film version sana,” dagdag pang chika ni Baron.

Anyway, muli ngang ipamamalas ni Baron ang galing niya sa pagkokontrabida sa pelikulang “Pusoy” kung saan makakasama niya sina Vince Rillon, Angeli Khang, Janelle Tee, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang sexy-action film na “Pusoy” simula May 27 sa Vivamax.

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Sa wakas, Baron Geisler naka-graduate na sa college: It’s never too late!

Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending