Barbie, Diego may chance nga bang magkaroon ng ‘comeback’?
NAGPANG-ABOT pala ang ex-lovers na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa campaign rally ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa District 2 kamakailan.
Isa ang aktres sa guest ni mayor Joy at si Diego naman ay naroon para sa bestfriend niyang si Ralph Tulfo na kumakandidatong congressman sa nasabing distrito.
“Si Barbie kasi laging umaakyat sa stage para kay mayor Joy Belmonte tapos nu’ng nasa stage na si Barbie, pinaakyat si Diego,” say ni Ogie Diaz para sa “Showbiz Update” YouTube channel nila kasama si Mama Loi at Tita Jegs.
Ipinakita rin sa video na hinawakan ni Diego ang kamay ni Barbie habang hawak nito ang mikropono at may sinasabi na hindi naman ipinarinig.
Kinanta ni Barbie ang awiting “Migraine” ng Moonstar88 na bagay na bagay ang lyrics sa nangyari sa relasyon nila ni Diego.
Ang unang bahagi ng kanta,
“Oo nga pala hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako
Andiyan pa ba sa iyo
Nahihilo nalilito (nahihilo)
Asan ba ko sayo aasa ba ko sayo.”
Dagdag tsika ni mama Loi, “Heto na nga pagbaba ni Diego tapos kumanta si Barbie, sabi pala ni Diego kay Barbie na ‘wag muna siyang umuwi para mag-usap sila. Kaso umuwi kaagad si Barbie.”
Sabi rin ni Ogie, “oo nga, eh. Kasi dapat aawitan pa ni Diego si Barbie.”
“Oo nga raw kasi mayroong sagot si Diego sa kanta ni Barbie,”say naman ni mama Loi.
Kinanta naman ni Ogie ang sagot ng aktor sa kanta ni Barbie, ang “Ako’y Sa’yo at Ika’y Akin Lamang” na unang kinanta ng IAXE at ni-revive ng First Circle.
“Tapos dinedicate niya (Diego) ang Ako’y Sa’yo at Ika’y Akin Lamang kay Barbie. Kaya feeling ko talaga si Diego pa rin ‘yung umaaligid kay Barbie, feeling ko nanunuyo na naman itong si Diego, eh.” katwiran naman ni mama Loi.
Sa panayam kasi ng aktres ay may mga umaaligid sa kanya pero as of now ay pahinga muna ang puso niya sa pagkakaroon ng karelasyon dahil uunahin muna niya ang sarilii at pamilya dahil matagal niyang hindi nagawang makipag-bonding sa kanila lalo na sa nanay niya na malaki ang hirap sa kanilang magkapatid bilang single mom.
View this post on Instagram
Naka-tsikahan naman ni Ogie si Diego sa backstage bago ito kumanta at kinumusta nito ang puso niya.
“Nakita ko kayo sa stage kanina, ano ba ‘yun?” bungat ni Ogie sa binata.
“Teka muna dapat marinig mo muna ‘yung kakantahin ko para sa kanya (Barbie) kaso nakaalis na siya, tinanong ko siya kung mag-stay siya, sabi niya hindi na uuwi na siya. Sabi ko, ‘sayang may sasabihin sana ako,” paliwanag ni Diego.
At hindi na nga narinig ng dalaga ang kinanta para sa kanya ng ex-boyfriend pero ang katwiran ni Diego, “okay lang (hindi narinig) makikita naman niya ‘to (vlog), eh.sigurado naman ako sa ‘yo magte-trending ‘yan, eh, ha, ha, ha.”
Nabanggit na friends sina Diego at Barbie ngayon at inamin din ng aktor na wala siyang ibang nililigawang babae ngayon at tulad ng katwiran din ng aktres, self-love muna ang drama niya.
Related Chika:
Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial
Barbie, Diego nagkagulatan nang magkita sa miting de avance, sigaw ng audience: ‘Balikan! Balikan!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.