Iglesia ni Cristo suportado ang kandidatura ni Mark Villar
OPISYAL nang inendorso ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kandidatura sa pagka-Senador ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar para sa nalalapit na halalan.
Ang maimpluwensyang relihiyosong grupo ay nagpahayag ng anunsyo sa programa ng balitang “Mata ng Agila” sa Net 25 noong Martes ng gabi.
Nagpasalamat ang UniTeam senatorial candidate na si Mark Villar sa religious group na Iglesia ni Cristo sa pagsuporta sa kanyang kandidatura sa pagka-Senador sa darating na halalan.
“Taos-puso po akong nagpapasalamat sa milyun-milyong kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa pangunguna ng kanilang Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid Eduardo V. Manalo.
“Pinahahalagahan ko po ang suportang ibinigay ninyo sa akin. Sisikapin ko po na ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin ay magbubunga,” sabi ni Villar.
Isa sa mga plataporma ni Villar, kung siya ay mahalal ay ang pagpapatuloy ng Build, Build, Build program ng Pangulong Rodrigo Duterte.
https://bandera.inquirer.net/312536/iglesia-ni-cristo-ibinandera-ang-pagsuporta-kina-bongbong-at-sara-12-kandidato-sa-pagkasenador-napili-na
https://bandera.inquirer.net/305143/ka-tunying-umaming-nakipag-usap-din-kay-willie-mukhang-pipiratahin-pa-ako
https://bandera.inquirer.net/312623/jaclyn-jose-nasasaktan-na-sa-pamba-bash-sa-inc-sobra-na-po-sana-wala-namang-sakitan-ng-religion
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.