Darren Espanto nilinaw na hindi kabahagi ng INC
DINENAY ng Kapamilya singer na si Darren Espanto ang kumakalat na balita na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kanyang pamilya.
Kumalat ang chikang ito matapos siyang magpahiwatig ng pagsuporta sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapangulo at pagkabise presidente nang dumalo ito sa nagdaang Bulacan rally ng tRoPang Angat.
“What’s happening to Iglesia? It seems some youth members like the highly popular @Espanto2001 are openly backing @lenirobredo?” tweet nig journalist na si Raissa Robles noong April 27.
Agad naman itong ni-retweet ni Darren at nilinaw na walang katotohanan ang kumakalat na balita.
“Hello po, Ms. @raissawriter I’d just to clarify po that my family and I are all Roman Catholics,” saad ng binata nang i-retweet niya ang sinabi ng journalist.
Hello po, Ms. @raissawriter. I’d just to clarify po that my family and I are all Roman Catholics. 🙂 https://t.co/pYnARUhrEq
— Darren (@Espanto2001) April 28, 2022
Sa kabila ng paglilinaw ni Darren ay hindi pa rin binubura ni Raissa ang kanyang tweet.
Marami namang netizens ang nag-react at naimbyerna sa ginawa ni Raissa at sinabing mas pinatunayan lang nito na wala siyang kredibilidad bilang journalist.
“You just damaged (and continuously damaging) your credibility, @raissawriter for not taking down your tweet and for not apologising to Darren for tweeting an incorrect information about him,” saad ng isang netizen.
Reply naman ng isa, “Ayaw pa rin niya i-delete ‘yung tweet kahit marami nang nag co-correct sa kanya. Sinagot na kamo ni darren ah.”
“Ayan na po straight from Darren, respectfully answered pa. Please do check first the facts and live up to your ‘profession’ as a ‘journalist’ dahil red flag on your credibility is waving,” hirit naman ng isa pa.
Recently rin ay nag-trending ang INC dahil marami ang nag-aabang kung sinong kandidato ang ieendorso nito sa darating na eleksyon.
May mga kumakalat rin kasing balita na sina Leni Robredo at Sara Duterte ang susuportahan nito ngunit wala pang opisyal na pahayag ang mga opisyal ng Iglesia Ni Cristo ukol dito.
Related Chika:
Panawagan ni Darren Espanto para sa Eleksyon 2022: Let our voice be heard
Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.