Mag-ingat sa pekeng 'Darren Espanto'; PBB 10 celebs dadaan muna sa matinding 'test' bago pumasok sa Bahay ni Kuya | Bandera

Mag-ingat sa pekeng ‘Darren Espanto’; PBB 10 celebs dadaan muna sa matinding ‘test’ bago pumasok sa Bahay ni Kuya

Ervin Santiago |October 03,2021
facebook
share this

Mag-ingat sa pekeng ‘Darren Espanto’; PBB 10 celebs dadaan muna sa matinding ‘test’ bago pumasok sa Bahay ni Kuya

Ervin Santiago - October 03, 2021 - 10:50 AM

Darren Espanto

BINIGYAN ng warning ng Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto ang kanyang mga fans laban sa kanyang poser na nagpapakalat ng pekeng impormasyon tungkol sa kanya.

Ibinuking ng binata ang modus ng nasabing poser na sumasali sa mga fan group chats at kung anu-anong false information ang pinagsasasabi about his career and personal life.

Sa pamamagitan ng Twitter, binalaan niya ang publiko, lalo na ang mga taong walang kaalam-alam tungkol sa kanya na mag-ingat sa mga sindikatong gumagamit ng pangalan at litrato niya sa social media para makapanloko ng tao.

Babala ng young singer, “Hi, Darrenatics! May poser po ako na nakiki-join sa mga ilang group chats niyo who’s spreading fake news and rumors about me and my personal life.

“Just know that if it were me, meron naman kayong makikitang verified badge sa username ko. Thank you and beware of posers!” aniya pa.

Nakabalik na sa Pilipinas si Darren makalipas ang ilang linggong pagbabakasyon sa Canada para makapiling muli ang kanyang pamilya. Sumailalim muna siya sa two-week mandatory quarantine bago bumalik sa pagtatrabaho.

* * *

Aapaw na ang kulitan at chikahan tungkol sa papalapit na “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” dahil magsasama araw-araw sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros para sa “PBB Kumulitan” show sa Kumu. 

Ibinalita ni Bianca sa “PBB Kumulitan” na malapit nang mabuo ang line-up ng official celebrity housemates na unang papasok sa Bahay ni Kuya. 

Pero bago sila ipakilala sa publiko, kailangang mag-quarantine ang mga napiling housemates at dadaan sila sa psychological, physical, at COVID-19 tests upang mahirang na official celebrity housemates. 

Ayon naman kay Enchong, excited na siyang malaman kung sinu-sino ang mga maswerteng napili bilang celebrity housemates.

Samantala, natapos na ang Online Bahay ni Kuya sa Kumu para sa Kumunizens na may bronze at silver badges na maaring maging celebrity housemate. Mula sa top 50 livestreamers pipiliin ang dalawang magiging official celebrity housemates ni Kuya. 

Sino kaya ang mga sikat na personalidad ang magiging bagong celebrity housemates ni Kuya?  Abangan ang updates sa “PBB Kumulitan” online show nina Bianca at Enchong mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 p.m. sa Facebook at Kumu account ng “Pinoy Big Brother.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutok din tuwing weekend kasama si Sky Quizon ng “PBB Otso” para sa weekend edition ng “PBB Kumulitan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending