Angel Locsin dedma sa bashers, patuloy na maninindigan para sa tama | Bandera

Angel Locsin dedma sa bashers, patuloy na maninindigan para sa tama

Therese Arceo |April 27,2022
facebook
share this

Angel Locsin dedma sa bashers, patuloy na maninindigan para sa tama

Therese Arceo - April 27, 2022 - 08:13 PM

Angel Locsin dedma sa bashers, patuloy na maninindigan para sa tama
SA kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa aktres at tinaguriang “real-life Darna” na si Angel Locsin, patuloy itong naninindigan para sa alam niyang tama at mas makakabuti sa nakararami.

May mga netizens kasi na nagpaparatang sa aktres na kaya lang naman daw nito ikinakampanya sina Vice President Leni Robredo na tumatakbo sa pagkapresidente at Sen. Kiko Pangilinan bilang bise presidente ay upang mabawi ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Mars @143redangel save the nation, not the station,” saad ng netizen sa Twitter kalakip ang video ng aktres habang nagsasalita sa stage noong Pasay campaign sortie ng tRoPang Angat.

Ni-retweet naman ito ni Angel at sinabing, “May prangkisa man o wala, kay VP Leni ako. mahal pa rin kita ate.”

 

 

Matatandaang ibinasura ng Kamara noong 2020 ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa renewal ng kanilang prangkisa kung saan isa si Angel sa mga talents ng naturang network.

Isa rin ang aktres sa mga nakipaglaban at nangalampag sa gobyerno na sana ay pag-isipang maigi ang desisyon dahil buhay ng mahigit 11,000 employees ng Kapamilya network ang maaapektuhan sa kanilang desisyon lalo na at nasa kalagitnaan pa ang bansa ng pandemya.

Ngunit mukhang paborito talaga ng madlang pipol si Angel dahil sa kabila ng kanyang pagtulong sa mga nangangailangan ay hindi pa rin nawawala ang mga taong patuloy na nagpaparatang at nangre-redtag sa kanya.

Matapos ang kanyang pag-retweet sa isang netizen ay may isa na namang tumitada sa aktres at iniugnay siya bilang miyembro ng New People’s Army o NPA.

Isang netizen ang nag-tweet patungkol sa Twitter username ni Angel na “143redangel”.

“Artista ka ng ka Angel @143redangel. By the way it makes sense bakit UN (username) mo is 143 (i love you) red (NPA) and dinagdag mo lang yung NAME mo para di halata.

Pinili naman ng asawa ni Neil Arce na huwag nang patulan ang naturang patutsada ng netizen.

“At kahit nakakatanggap po ako ng mga ganito araw araw, maninindigan pa rin po ako sa tama,” pag-retweet ni Angel.

Sa ngayon naman ay burado na ang tweet ng naturang netizen sa Twitter.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angel Locsin bumisita sa Marawi, ikinampanya ang tambalang Leni-Kiko

Angel Locsin pumalag sa netizen na nang-redtag sa kanya

Angel Locsin walang pakialam sa mga pumapansin sa kanyang katawan: May kawalan ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending