Magaling na character actor niloloko ng handler, sobra-sobrang kumaltas ng komisyon sa telent fee | Bandera

Magaling na character actor niloloko ng handler, sobra-sobrang kumaltas ng komisyon sa telent fee

Reggee Bonoan - April 26, 2022 - 07:41 AM

Guess, guess who time na! Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?

HINDI pala transparent ang relasyon ng character actor at ng handler niya pagdating sa talent fee dahil nabuking ng una kung magkano talaga ang natatanggap niya per project.

Kinuha kasi ang serbisyo ni character actor ng isang movie company at umabot siya ng seven days shooting at nagkataon na nagkausap sila ng field cashier dahil may kailangan sa kanya.

Kaya naman nalaman niya ang tunay na halaga ng talent fee niya per day na sobrang layo sa binanggit sa kanya ng handler niya.

Hindi muna nagsalita ang character actor at hinihintay niyang magsabi ang kanyang handler pero hanggang sa natapos na siyang mag-shoot ng pelikula ay wala pa ring nabanggit sa kanya.

At nang ipinadala na ang talent fee ng character actor sa handler niya ay ibinigay na sa kanya ang pitong araw na pinagtrabaho niya at nanlumo siya dahil sobrang laki raw ang bawas sa kanya, as in more than half.

Ang tsika sa amin, “Yung total talent fee, hinati ‘yun, tapos ‘yung kalahati ibinawas pa ‘yung komisyon, so anong natira?”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nag-set ng meeting ang character actor sa handler niya at sa manager niyang may konek din sa production ng pelikulang ginawa niya.

Sabi pa ng kaibigan ng character actor, “Mali nga naman ‘yun, okay naman kay _____ (aktor) na magbawas dahil ganu’n naman talaga, pero ‘yung more than half, parang nakakaloko naman ‘yun!”

In fairness, malaki ang talent fee ng character actor dahil ito na talaga ang rate niya bago pa siya napunta sa bago niyang manager at puwede pang taasan dahil nga mahusay naman talaga siya at professional pa.

* * *

Sina Ashton Salvador, Paolo Alcantara, Stephanie Jordan, at Rob Blackburn ang mga nalagay sa alanganin sa bahay ni Kuya dahil sila ang mga nominado para sa ikaapat na eviction night sa darating na Linggo (Abril 24) sa “PBB Kumunity Season 10.”

Nanguna sa listahan si Paolo na may walong puntos, habang nakakuha naman ng tig-limang puntos sina Ashton, Stephanie, at Rob.

Nauna namang umalis sa bahay ni Kuya noong Linggo (Abril 17) “Ang Darling Defender ng Parañaque” na si Stef Draper. Hindi sapat ang nalikom na boto ni Stef na 14.39 percent kumpara sa 16.54 percent ni Stephanie at 27.33 percent ni Rob.

Samantala, nag-trending muli ang “PBB Kumunity” dahil sa pagsalang ng teen housemates sa isang History Picture Quiz para sa kanilang Head of Household Challenge. Nais ni Kuya na sukatin pa ang kaalaman ng housemates sa kasaysayan ng Pilipinas at para rin ipakita sa kabataang Pinoy ang kahalagahan ng pag-aaral sa kasaysayan.

Unang nakakuha ng limang puntos sa quiz si Tiff Ronato kaya siya ang tinanghal na Head of Household na may immunity sa ginawang nominasyon. Sumunod naman kay Tiff na nakakuha ng limang puntos sina Maxine Trinidad, Dustine Mayores, Luke Alford, at Gabb Skribikin.

Muli namang nagdiwang ang housemates dahil sa pagkapanalo nila sa weekly task, kung saan salitan silang nagbuhat ng Tree of Sacrifice.

Napukaw din ang damdamin ng viewers sa pagtupad ni Tiff ng mga hiling ng kapatid na may special needs. Hindi napigilan ng “Brainy Big Sister ng Samar” ang kanyang luha ng muling makausap virtually ang kapatid na si John Bradley na inaaruga nito mula nang magtrabaho abroad ang kanilang mga magulang.

Bumuhos pa lalo ang luha ni Tiff habang binabasa ang liham ng ina para sa kanya. Pahayag ng nanay ni Tiff, “Gusto ko lang sabihin sa’yo na sobrang proud ko sa’yo.

“Sorry dahil kinailangan ko umalis at mapunta sa ’yo lahat ng bigat ng obligasyon ko bilang isang ina. Hindi mo pinabayaan lalo na ang bunso mong kapatid,” pahayag ng ina nito. “Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng sakripisyo mo. Thank you so much ate.”

Ano na naman kaya ang panibagong hamon ni Kuya tungkol sa kasaysayan? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.

https://bandera.inquirer.net/305967/kilalang-aktor-sakit-sa-ulo-dahil-sa-nakakaimbyernang-attitude-sana-maulit-muli-ipapalabas-sa-manila-metropolitan-theater

https://bandera.inquirer.net/299925/biglang-sikat-na-singer-ayaw-nang-kunin-ng-producer-grabe-ang-taas-na-ng-tf-niya

https://bandera.inquirer.net/303098/aktres-na-mahal-ang-talent-fee-mas-type-ng-producer-kesa-sa-female-star-na-mababa-ang-tf-pero-super-arte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending