JC Santos na-stress kay Bela Padilla: Direktor na, co-actor ko pa...sabi ko, ‘ang hirap nito, ah!’ | Bandera

JC Santos na-stress kay Bela Padilla: Direktor na, co-actor ko pa…sabi ko, ‘ang hirap nito, ah!’

Reggee Bonoan |April 21,2022
facebook
share this

JC Santos na-stress kay Bela Padilla: Direktor na, co-actor ko pa…sabi ko, ‘ang hirap nito, ah!’

Reggee Bonoan - April 21, 2022 - 01:38 PM

JC Santos at Bela Padilla

“MAGNIFIED” ang terminong ginamit ni JC Santos nang hingan ng reaksyon pagkatapos mapanood ang pelikula nilang “366” kasama sina Bela Padilla at Zanjoe Marudo.

Ginanap ang private screening ng nasabing original Vivamax movie kagabi, April 20, sa Cinema 1, Vertis North, Quezon City.

“Nahabag ako nang sobra kasi parang magnified na magnified ‘yung feeling kasi nakikita mo ‘yung close-up, nakikita mo ‘yung reaksyon ng mata.

“I want to commend Zanjoe, this is probably one of the best performance I’ve ever seen he did.  Sa lahat ng bawa’t tingin markadong-markado.

“I felt his character, naintindihan ko lahat ng ginagawa niya. It makes sense to me everything, every direction,” paglalarawan ng aktor na ginampanan ang karakter na Pao sa pelikula

Natatawang komento naman ni JC tungkol kay Bela na dati’y co-actor palang niya, “Si Bela…when we’re doing ‘100 Tula para kay Stella’ tapos nandito na, she’s directing her own movie right now, overwhelming yung feeling na, ‘wow ang laki na ng step up nitong co-actor ko na direktor ko na ngayon napapanood ko ‘yung pelikula niya.

“Hindi ko na kinukuwestiyon (ang galing ni Bela bilang artista) ‘yun as co-actor in 100 Tula Para kay Stella, I don’t know what else to say (nauutal na sabi). Dina-digest ko pa (ang pelikula) and congratulations (sabay lingon sa aktres), great job!” pahayag ng aktor.

Natatawang sabi pa niya, “Saka na-stress ako sa kanya (Bela) sa pagiging direktor, co-actor. Sabi ko, ‘ang hirap nito, ah.’

“Magba-blocking siya, (tapos) iiyak pa siya mamaya, tapos makikipag-eksena pa at kailangan niyang baliin ang mga lines niya. Ang dami niyang ginawang mahihirap for this film,” ani JC.

Habang inilalarawan naman si Bela ng co-actors niya ay panay naman ang inom niya ng tubig senyales ng ninenerbyos sa mga papuri sa kanya bilang direktor at artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)


Tulad ng papuri ni JC kay Zanjoe sa husay nito sa pelikulang “366” ay napuri rin ang aktor ng mga invited members bg entertainment media at vlogger pero iba pa rin ang tandem nina Bela at JC.

Maganda ang debut film ni Bela bilang direktor, parang hindi gawa ng first timer pero hindi niya sinolo ang kredito dahil itinuro niya si Direk Irene Villamor na nag-guide sa kanya sa buong pelikula at sinamahan siya hanggang ibang bansa at ito rin ang creative consultant ng movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, masaya ang cast ng “366” dahil nagiging maluwag na ulit para makadalo ng screening at sana magtuluy-tuloy ito hanggang bumalik na sa normal.
Anyway, napapanood na ang “366” sa Vivamax produced ng Viva Films.

Bela Padilla walang awkwardness na naramdaman kay Zanjoe sa ‘366’: I already got passed that stage

Bela bilib na bilib sa 2 leading man sa ‘366’: Si JC talagang ginalingan, hindi pa action, tumutulo na ang luha

Janine umaming super fan ni Bela: Napakahusay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending