Rufa Mae balik-Kapuso na: Welcome back to me! | Bandera

Rufa Mae balik-Kapuso na: Welcome back to me!

Therese Arceo |April 20,2022
facebook
share this

Rufa Mae balik-Kapuso na: Welcome back to me!

Therese Arceo - April 20, 2022 - 02:25 PM

Rufa Mae balik-Kapuso na: Welcome back to me!

ISA nang ganap na Sparkle artist ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto na nagbabalik na rin bilang Kapuso.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang magandang balita sa madlang pipol.

“I’m ready to shine and sparkle @sparklegmaartistcenter @gmanetwork. Welcome to me!” pagbabahagi ni Rufa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Pag-amin rin ng aktres, nagulat rin siya sa bilis ng mga pangyayari buhat nang umuwi siya mula Amerika kasama ang anak at ngayon nga ay isa na siyang ganap na Sparkle star.

Pagkukwento ni Rufa Mae sa “24 Oras”, matapos ang mga meetings at pakikipag-usap sa talent Management ng GMA-7 ay winelcome na agad siya bilang Kapuso.

“Laging sakto lahat ng pagbabalik ko. Nagka-management, nagkaroon ng back to GMA,” pagbabahagi ng komedyana.

Ikinuwento rin niya ang mga nagawa na niya sa kanyang career bilang Kapuso star.

“Lumaki rin ako [na] Rufa Mae ako sa GMA, lahat ginawa ko na diyan, magpakain sa buwaya na lang ang hindi.

“Nag-host ako, nag-sitcom, nag-gag show, naging mermaid, naging Darna,” pagpapatuloy niya.

Sa kanyang pagbabalik nga ay bisi-bisihan agad si Rufa Mae dahil sumabak agad ito sa trabaho.

Nag-guest agad ito sa “Mars Pa More” at nakipagkulitan sa “Family Feud”.

Bukod pa rito ay balik taping agad ang aktres para sa isang episode ng “Tadhana” kung saan first time niya makakatrabaho sina Irma Adlawan, Luis Hontiveros, Arra San Agustin, Ashley Ortega, at Tober Fabregas.

Tuwang-tuwa rin si Rufa Mae sa mga nangyayari dahil tila nakikipag-reunion lang siya sa mga dating katrabaho.

Labis naman ang pasasalamat ng aktres sa kanyang asawang si Trevor Magallanes dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang mga desisyon.

Matatandaang noong October 2019 ay pansamantalang nilisan ni Rufa Mae ang Kapuso network pagkatapos ay lumipad pa-US kasama ang asawa.

“Sabi niya, ‘Sige magtrabaho muna tayo nang todo-todo ng isang taon tapos focus muna tayo doon’,” chika ni Peachy.

Samantala, magbabalik naman siya sa Amerika para sa kanyang mgacgagawing shows doon pero pagkatapos nito ay magbabalik siya sa bansa at this time ay matagal siyang mananatili dahil sobra niyang na-miss ang showbiz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!

Rufa Mae: Ganito pala maging nanay ang sarap, ang saya, pero ang sakit din…

Rufa Mae napabayaan ang sarili, inatake ng depresyon sa US: Pero lumaban ako at kinaya ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending