Aiko natuwa sa pagsuporta ni Ogie kahit magkaiba ng presidenteng sinusuportahan | Bandera

Aiko natuwa sa pagsuporta ni Ogie kahit magkaiba ng presidenteng sinusuportahan

Therese Arceo - April 19, 2022 - 09:07 PM

Aiko natuwa sa pagsuporta ni Ogie kahit magkaiba ng presidenteng sinusuportahan

NAGPAKITA ng pagsuporta ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang kaibigan na si Aiko Melendez na kasalukuyang tumatakbo bilang konsehal sa Quezon City.

Bagamat may pagkakaiba ang kanilang pananaw sa eleksyon ay hindi ito naging isyu para malamatan ang matagal na nilang pagsasama.

Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan ni Aiko ang kanyang kumpare sa pagdalaw nito sa kanyang kampanya.

“Maraming salamat po sa Barangay San Bartolome sa mainit na pagtanggap po sa amin.

“Nakisaya din sa amin ang aking kumpareng si Wendell Ramos at Mader Ogie Diaz na kahit magkaiba ang aming sinusuportahan andun pa rin siya upang magpakita ng pagmamahal para sa akin,” saad ni Aiko.

Aniya, sobrang saya niya at hindi niya malilimutan ang gabing iyon dahil sa pagmamahal na ipinaramdam ng kanyang mga taga-suporta.

Aware naman ang lahat na ang tambalang Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan ang sinusuportahan ni Ogie samantalang si Aiko naman ay sina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte ang ini-endorso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa klase ng pagkakaibigan ng dalawa.

“You and Ogie Diaz are very open-minded. That is how it should be. Respect each other’s opinion and choices,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “One love! Hanga talga ako sa dalawang magkaibigan na ito kahit magkaiba sila ng gusto sa pagkapresidente, andyan pa rin sila para sa isa’t isa. Support lang.”

“Buti po at hindi po kayo nag-friendship over ni Sir Ogie kasi iba yung presidential candidate niya but I respect him. He is supporting you for the win, Ma’am Aiko,” hirit naman ng isa pa.

Ito ang isa sa mga patunay na posible pa rin na manatili ang pagkakaibigan sa mga taong hindi magkaparehas ng paniniwala basta tunay ang nabuong samahan.

Bukod sa talent manager ay present rin si Mariel Rodriguez sa naturang rally ni Aiko para ikampanya ang asawang si Robin Padilla na tumatakbo sa pagkasenador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rufa Mae present din sa campaign rally ni Pacman, Direk Antoinette nag-react: Mall tour yarn?

Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…

Mommy Dionisia worried sa pagtakbo ni Manny Pacquiao: Baka maubos ang kwarta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending