Jona nakiusap sa fans na nag-aaway-away dahil sa politika: Huwag po tayong magbastusan
NAKIUSAP ang mang-aawit na si Jona sa kanyang mga tagasuporta na sana ay huwag na itong magtalu-talo patungkol sa kani-kanilang pambato sa eleksyon.
Marami na kasi sa kanyang mga fans ang hindi nagpapatalo at nag-aaway-away na dahil lamang sa politika.
“Wag po tayo mag-away-away at magbastusan,” saad ni Jona.
Aniya, kahit naman daw magkakaiba ang kanilang mga pananaw ay dapat pa ring panatilihin ang pagrespeto sa isa’t isa.
View this post on Instagram
“We may have different views, but let us still exercise respect to each other here while expressing our opinions. Ipagmalaki na lang po natin ano ‘yung nagawa, at ‘yung mga platapormang isinusulong ng ating mga napiling susuportahan,” pagpapatuloy ni Jona.
Matatandaang kamakailan ay idineklara na niyang sina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan ang kaniyang sinusuportahang kandidato para sa pagka-presidente at pagka-bise presidente.
Chika niya, noon daw ay hindi siya mahilig makisawsaw sa politika dahil pakiramdam niya ay wala naman itong epekto.
Ngunit later on ay na-realize niyang kinakailangan rin niyang makialam at gamitin ang kanyang boses at hindi dapat nasa safe side palagi kaya nga napagdesisyunan niyang i-endorse si VP Leni.
“Mahusay, masipag, matapang, humaharap sa mga pagsubok, may malinaw at konkretong plano, at ang pinakamahalaga sa lahat, may puso— tapat, transparent at walang bahid ng korapsiyon at katiwalian, na pinakita niya sa atin for the past 6 years bilang bise president,” saad ni Jona.
“Noong mga nakaraang taon sobra tayong nagagalit kapag may mga issue ng corruption, mismanage ng funds ng ilang mga government agencies and officials, injustices lalo na sa mga mahihirap, mga inactions, at walang konkrentong plano sa pagtugon sa pandemya,” dagdag ng Kapamilya singer.
Ito rin ang kauna-unahang eleksyon na mararanasan ni Jona ang bumoto.
Related Chika:
Jona dedma lang sa politika noon, pero naninindigan para kay Leni Robredo ngayon
Anne Curtis inilantad na rin ang tunay na ‘kulay’ sa politika
Jona wala pa ring dyowa; busy sa pagliligtas, pag-aalaga ng mga aso’t pusa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.