Juday hindi kayang isakripisyo ang pagiging nanay at asawa; Ryan may bonggang wish para sa sarili
SA loob ng mahigit dalawang taon ng pandemya, may dalawa ring mahahalagang bagay na pinagtuunan ng pansin ang celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Ito ay ang pagbibigay ng sapat na atensyon at panahon para sa kanilang mga anak habang nag-a-adjust sa new normal dulot ng COVID-19 pandemic at ang masigurong walang matatanggal sa kanilang resto and food business.
“The hope that I had to keep alive was somebody else’s, ’yung pangarap ng mga anak mo, ng mga katrabaho natin,” pahayag ni Ryan sa pakikipagchikahan kay Fr. Tito Caluag sa100th episode ng kanyang programang “Kapamilya Journeys of Hope”.
Noong kasagsagan ng pandemya taong 2020 at 2021 ay naisipan na rin nina Juday at Ryan na magbawas ng staff sa restaurant nilang Angrydobo dahil nga pababa na nang pababa ang kanilang sales.
Handa na nga sanang mag-shift ng operation ang mag-asawa, mula sa mga physical store ay sa bahay na lang nila ito itutuloy para mabawasan ang expenses.
“We were blessed kasi ’yun din ang sentimyento ng mga tao namin. ’Yun pala, nagsusuklian kami ng hope for each other.
“Ganu’n din sila sa amin. ’Yung mga tao namin, sila mismo nagsasabi, kahit matulog kami sa tindahan ’wag lang tayo magsara. We had to fight for the other’s person’s hope,” sabi pa ng TV host-actor.
View this post on Instagram
Samantala, tungkol naman sa kanilang mga anak, sinisiguro nila na laging may nilu-look forward ang mga bagets sa bawat araw na uuwi sila sa bahay mula sa pagtatrabaho.
May mga pagkakataon din daw kasi na kailangan nilang iwan pansamantala sina Johanna, Lucho, at Luna kapag may mga lock-in shoot.
“They always had to have something to look forward to. Whether it was a physical activity or a reward to look forward to, something at the end of the day or week or month. Hindi kailangan malaki,” ani Ryan.
Sabi naman ni Juday, ang pagiging nanay pa rin niya ang number one priority niya ngayon, lalo’t hindi pa rin totally natatapos ang pandemya.
“Parang pinipilit kong tapusin ’yung trabaho ko na lang para matapos at makauwi. So bakit pa ako papasok sa ganu’n kung hindi ako willing na i-sacrifice ’yung part ng pagiging nanay at asawa ko?” paliwanag ni Juday.
Isa raw sa magandang epekto ng pandemya sa kanila ni Ryan ay ang pagkakaroon nila ng maraming oras sa pag-aalaga sa tatlong anak na mas naging close pa ngayon sa kanila.
“Nakakalma sila when they see me and Ry sa baba. Just seeing us there right after they have to go out and get a screen break (mula sa online classes), yayakap lang sila,” kuwento ni Juday.
Nu’ng mag-transition sa hybrid classes ang mga estudyante, nagustuhan naman daw agad ito nina Johann at Lucho dahil mas marami silang time na makasama ang kanilang parents.
“Sabi niya (Lucho), ‘I’m okay din with hybrid, because I like stepping out and I’m comforted by seeing you, I actually like, you know, staying home with us.’ This was echoed by Johann. They’re responding well, and I’m just thankful for that,” pahayag ni Ryan.
Ang tanging hiling daw ngayon sa buhay ni Ryan ay, “Ang gusto ko matupad ang dreams ni Judy Ann, ni Johann, ni Lucho, ni Luna. Pero ano ang dream ko para sa sarili ko?
“Gusto kong tanganan na as the world opens hawak ko pa rin ‘yung lesson na helping others achieve their dreams,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/305730/juday-ipinagdasal-ang-pagdating-ni-ryan-ito-pala-yung-feeling-na-niyayaya-kang-mag-date-dinadalaw-ka-sa-set
https://bandera.inquirer.net/310424/birthday-message-ni-juday-kay-ryan-my-life-my-heart-my-soul-i-love-you-forever
https://bandera.inquirer.net/305154/judy-ann-masaya-sa-covid-19-vaccine-experience-ng-mga-anak-all-in-kami
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.