Angel Locsin ibinandera ang kanyang 'resting beach face', netizens napa-wow | Bandera

Angel Locsin ibinandera ang kanyang ‘resting beach face’, netizens napa-wow

Therese Arceo |April 15,2022
facebook
share this

Angel Locsin ibinandera ang kanyang ‘resting beach face’, netizens napa-wow

Therese Arceo - April 15, 2022 - 01:44 PM

Angel Locsin ibinandera ang kanyang 'resting beach face', netizens napa-wow
MUKHANG naka-beach mode on na ang aktres na si Angel Locsin matapos itong mamataang nasa Boracay para magbakasyon.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan nakaupo siya sa dalampasigan na nakasuot ng black crisscross swimsuit at black cover up with lace details.

“Resting beach face,” saad ni Angel.

Marami naman sa madlang pipol ang nag-react sa larawan ng aktres.

Saad ni Kakai Bautista, “GRABE NAMAN PO ANO? Kaya pala kanina pa ako pawis na pawis dinagdagan mo na naman ang INIT!!!!

“Mars ko yan!” comment naman ni Dimples Romana.

Sey ni Eric John Salut, “Panalo! Bakit ganun? Nakaupo ka lang naman, walang effort pero bakit ang lakas ng dating mo, Queen?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)

Todo puri rin ang mga netizens dahil tila hindi nagbabago ang ganda ng aktres kahit na nadaragdagan ang edad nito.

“Ibang klase po kasi talaga ang dating kapag ang ganda ay sagad sa buto at kaluluwa. No need na ng effort. Beautiful outside pero higit na maganda inside,” saad ng isang netizens.

Dagdag pa ng isa, “Nothing has changed about you, Ms. Angel. You are truly the most gorgeous lady alive.”

Samantala, naging bukas naman ang aktres patungkol sa kanyang fitness journey nang makapanayam siya ni Ogie Diaz.

Matatandaang marami sa madlang pipol ang bumabatikos dahil sa pagbabago ng kanyang katawan bagay na hindi na pinapansin ni Angel.

“I’m acknowledging. Yes, malaki ako. Eh ano naman ngayon? Bakit? may kawalan ba?” diretsahang saad ni Angel.

“Okay ako eh. Ang ganda ko sa paningin ng asawa ko. Darating din tayo diyan, kung papayat ka, papayat ka, but it’s not an issue.”

Aniya, hindi naman naging batayan ang kanyang pangangatawan sa halaga niya bilang isang tao.

“Na-develop ko yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I don’t really care.

“Ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat kung gaano ako kabigat. Alam ko ang dami kong na-prove sa sarili ko, sa ibang tao.” pagdidin ng aktres.

 

Related Chika:
Angel Locsin walang pakialam sa mga pumapansin sa kanyang katawan: May kawalan ba?

Aubrey Miles, Troy Montero titira sa Bora ng 1 buwan; gustong iparanas sa mga anak ang island life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel muling pinatunayan na love na love talaga si Kris, personal na tsinek ang kundisyon ng BFF

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending