Aubrey Miles, Troy Montero titira sa Bora ng 1 buwan; gustong iparanas sa mga anak ang island life
Aubrey Miles and Troy Montero
ISANG buwan mananatili ang actress-entrepreneur na si Aubrey Miles sa isla ng Boracay kasama ang asawang si Troy Montero pati na ang kanilang mga anak.
Balak nina Troy at Aubrey na maranasan ng kanilang mga anak ang buhay-probinsya at matutunan ang pagiging independent kids.
Sa Instagram, ibinalita nga ni Aubrey na nagdesisyong manatili muna sa Boracay sa loob ng isang buwan. Naniniwala raw siya na malaki ang maitutulong ng island life sa kanilang pamilya habang pahupa na ang COVID-19 pandemic.
Sey ni Aubrey pinag-usapan nila ni Troy nang masinsinan ang kanilang desisyon at isa nga sa kanilang objectives ay, “To show the kids how’s life around the island. We feel that school will be opening soon and this is our only chance.”
“Officially day 1 of our 1month ISLAND LIVING. Now what to do? any suggestion ? I might ask the kids to work part time here,” ang caption ni Aubrey sa isang family photo nila habang kumakain sa Bora.
View this post on Instagram
Itinaon din nila ang pag-alis nang ilagay na ang buong Metro Manila sa Alert Level 1 dahil nga pababa na nang pababa ang bilang ng mga nahahawahan ng COVID-19.
Sumakto rin ang pagbabakasyon nila sa Bora sa birthday month ni Aubrey at ng panganay na anak na si Maurice na 20 years old na ngayon.
Samantala, sa Instagram account naman ni Troy, nabanggit niya na isang buwan lamang sila sa Bora pero ang mga bagahe raw nila ay parang sa ibang bansa sila pupunta.
https://bandera.inquirer.net/293592/aubrey-troy-18-years-nang-magdyowa-nagbigay-ng-tips-para-tumibay-ang-relasyon
https://bandera.inquirer.net/303248/troy-montero-nahawa-na-rin-ng-covid-19-nag-quarantine-sa-garahe-its-so-painful
https://bandera.inquirer.net/306341/miriam-umamin-sa-tunay-na-dahilan-kung-bakit-nagdesisyong-tumira-sa-bora-kasama-ang-pamilya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.