Diego napuruhan sa mata habang nagba-basketball sa Cebu; KZ may hugot sa bad break-up | Bandera

Diego napuruhan sa mata habang nagba-basketball sa Cebu; KZ may hugot sa bad break-up

Ervin Santiago - April 12, 2022 - 07:26 AM

KZ Tandingan at Diego Loyzaga

“PART of the game!” Yan ang paglalarawan ni Diego Loyzaga sa natamong eye injury habang naglalaro ng basketball sa Cebu.

itang-kita sa litratong ipinost ng hunk actor sa Instagram ang napuruhan niyang mata matapos mabalya ng isang player sa sinalihang fun basketball game kamakailan.

Tinawag pa ni Diego na “souvenir” ang pasa sa kanyang mata mula sa naganap na basketball match sa Cebu. Pero siniguro naman niya na hindi naman malala ang nangyari sa kanya.

Sabi niya sa caption ng kanyang IG photo, “My souvenir from the other day’s basketball game. It’s all good and all part of the game.

“Props sa kalaban namin ang galing niyo! I had a blast Cebu! ‘Till next time.

“The guy who hit me said sorry a million times so there’s no drama whatsoever! Nice cross over man!” paniniguro pa ni Diego.

Sa huling bahagi ng kanyang post, pinuri rin ni Diego ang airport sa Cebu, “BTW: Cebu Airport is absolutely beautiful.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


* * *

Patuloy ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan sa pagpapakilala ng musika niya sa buong mundo sa bagong release niyang single na “Winning” na tungkol sa self-empowerment pagkatapos ng isang matinding hiwalayan.

Aniya, “Isang empowering song ang ‘Winning’ na nagpapaalala na sa halip malungkot pagkatapos ng isang bad breakup, pwede namang piliin na manalo in life at ipaglaban ang sarili. Hayaan mong itulak ka nito para higit na mapabuti ang sarili.”

Ang Grammy-nominated Filipino-American producer na si DJ Flict ang nagprodyus ng English pop track na isinulat din niya katulong ang artist-producer na si Phillip Fender aka TxTHEWAY na kinilala sa nakaraang Grammy Awards bilang songwriter para sa nagwaging Best Dance/ Electronic Album.

Nagtatampok din ito ng rap verse na nasa wikang Filpino na si KZ mismo ang sumulat. Ginawa ang recording ng kanta sa recording studio ni Flict sa Venice, California.

Hatid ng latest song mula sa Tarsier Records label ng ABS-CBN ang pinagsama-samang mensahe ng self-love, growth, at tiwala sa sarili, palabang melody, futuristic production, at Afro-beat pulse, at syempre ang unique vocals ni KZ.

Noong nakaraang taon, sinimulan na ng Kapamilya singer ang kangyang pagsabak sa global stage sa una niyang international single na “11:59” na mula rin sa Tarsier Records. Mula ito sa collective musical genius nina Grammy-nominated producer Luigie “Lugo” Gonzales, Paulino Lorenzo, at Idrise Ward-El.

Kasunod ng kanyang unang international music release, naging cover din si KZ ng EQUAL Global playlist ng Spotify at bumida sa isang prominenteng billboard sa Times Square sa New York City.

Mapapakinggan na ang “Winning” single ni KZ sa iba’t ibang music platforms worldwide.

https://bandera.inquirer.net/298389/hindi-ko-naman-naranasang-pag-agawan-ng-4-na-lalaki-pero-nagawa-yun-ng-gma

https://bandera.inquirer.net/299793/donnalyn-may-nakakalokang-secret-nag-iiba-ang-kulay-ng-mata-depende-sa-mood-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290813/bakit-ayaw-pang-magkaroon-ng-baby-nina-kz-tandingan-at-tj-monterde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending