Trina Guytingco kay Joshua Garcia: Thanks rumored boyfriend! | Bandera

Trina Guytingco kay Joshua Garcia: Thanks rumored boyfriend!

Therese Arceo |April 08,2022
facebook
share this

Trina Guytingco kay Joshua Garcia: Thanks rumored boyfriend!

Therese Arceo - April 08, 2022 - 03:00 PM

Trina Guytingco kay Joshua Garcia: Thanks rumored boyfriend!
MUKHANG nakarating na kina Joshua Garcia at Trina Guytingco ang mga balita ukol sa kung ano ba ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Close na close na kasi ang dalawa kaya naman marami sa mga netizens ang tila curious kung may relasyon nga ba sila.

Unang kumalat ang chika na mukhang may “something” sina Trina at Joshua matapos mag-post sa Instagram stories ang aktor ng larawan ng babae na nakatalikod.

Marami ang nagtangkang hulaan kung sino ito pero nakumpirma lang ang pagkakakilanlan ng babae sa larawan matapos itong i-repost ng dalaga sa kanyang IG story.

Si Trina ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo at isa ring varsity player ng women’s basketball team ng Ateneo De Manila University.

Nagkasama naman sila nang magdiwang ng kaarawan si Kathryn sa El Nido, Palawan.

Nanatili namang tahimik ang dalawa hinggil sa isyu kaya mas maraming netizens tuloy ang nagsimulang nagmatyag sa kanilang mga social media accounts.

At nito ngang April 5 ay nag-post si Trina ng kanyang pictures sa Instagram.

Hindi naman nakatakas si Joshua sa bilis ng mata ng netizens na agad nahuli ang komento niyang “Nice shot!”

Reply naman ni Trina sa binata, “Thanks rumored boyfriend” na sinundan pa ng tatlong laughing emoji.

Nakisakay na rin si Joshua at sinabing “you’re welcome”.

Marami na naman sa mga netizens ang kinilig sa simpleng biruan ng dalawa at hiniling na sana ay totohanin na lang ng dalawa ang chika patungkol sa kanilang “relasyon”.

“hehe may it be reel or real , u guys are cute together hehe,” comment ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, “what if totohanin niyo? what if lang naman.”

“OMG KAYOOOO!!!! SUPER KILIG NA NAMAN!!!!!” sey pa ng isang netizen.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may na-link kay Joshua Garcia dahil maski ang kaibigang si Ria Atayde ay natukso rin sa aktor.

Nilinaw naman nila na talagang malapit lang silang magkaibigan.

At ngayon nga ay si Trina naman ang napili ng netizens na iugnay sa aktor.

Related Chika:
May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?

Xian Gaza nag-DM kay Joshua: Kung alam ko lang, matagal na kitang pinormahan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending