Cristy Fermin hiniling na huwag silang pag-awayin ni Lolit Solis: Hindi kami mga manok panabong | Bandera

Cristy Fermin hiniling na huwag silang pag-awayin ni Lolit Solis: Hindi kami mga manok panabong

Therese Arceo |April 06,2022
facebook
share this

Cristy Fermin hiniling na huwag silang pag-awayin ni Lolit Solis: Hindi kami mga manok panabong

Therese Arceo - April 06, 2022 - 06:17 PM

Cristy Fermin hiniling na huwag silang pag-awayin ni Lolit Solis: Hindi kami manok panabong

NAKIUSAP ang kolumnistang si Cristy Fermin sa mga vloggers na itigil na ang ginagawang pagtatapat sa kanila ng kaibigan at dating kasamahan sa trabaho na si Lolit Solis.

Kwento niya sa kanyang latest episode ng “Cristy Ferminute” kung saan kasama niya si Romel Chika, may mga vloggers raw kasi na tila pinag-aaway sila dahil sa magkaiba nilang pananaw at pagtingin sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Pinuri kasi ng kolumnista si Bea samantalang may kaanghangan ang mga pahayag ni Manay Lolit laban sa aktres.

“Paalala lang po sa mga kasamahan, mga nagba-vlog. ‘Wag niyo po kami pagsabungin ni Manay Lolit, hindi po kami mga manok panabong. Kami po ay walang problema, nagrerespetuhan po kami,” paglilitanya ni ‘Nay Cristy.

Paglilinaw niya, hindi raw porke magkaiba ang pananaw nila sa isang bagay ay otomatikong magkaaway na sila.

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, “Kung ang tingin ko po kay Bea Alonzo ay parang bagong plantsang damit na napakakinis at iba naman ang tingin ni Manay Lolit, kanya po ‘yon. Kaya hindi po kami magkaaway, maayos po kami.”

Dating magkasama sa programang “Take It Per Minute Me Ganun” ang dalawa kasama si Mr. Fu ngunit umalis ang kolumnista dahil hindi na raw ito masaya sa kanilang trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Nagsimula naman ang isyu sa pagitan nina Manay Lolit at Bea Alonzo matapos mabalitaan ng talent manager na diumano’y ipinatanggal raw ng aktres ang pangalan niya sa mga listahan ng press people na dadalo sa presscon ng isang brand na ini-endorse ng aktres.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis kinumpirmang buwag na ang online tandem nila ni Cristy Fermin: Pupunta siya sa mas masayang lugar

Lolit Solis muling nag-post ukol sa kaibigang si Cristy Fermin: Konting ‘punit’ pero hindi naman warak na warak

Cristy Fermin dinepensahan si Lolit Solis: Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na naiinis siya kay Vice?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending