Kit nag-sorry na kay Ana pero hindi pinatawad: Napapangitan na ako sa sarili ko, kapag tumitingin ako sa salamin... | Bandera

Kit nag-sorry na kay Ana pero hindi pinatawad: Napapangitan na ako sa sarili ko, kapag tumitingin ako sa salamin…

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 05:18 PM

Ana Jalandoni

NAG-SORRY na pala ang hunk actor na si Kit Thompson sa ginawa niyang pambubugbog umano kay Ana Jalandoni noong gabi ng March 17 sa isang hotel sa Tagaytay City.

Ito ang inilahad ng sexy star sa panayam ni Boy Abunda na mapapanood sa bagong vlog entry sa kanyang YouTube channel.

Kuwento ni Ana nakatanggap siya ng message of apology mula kay  Kit sa pamamagitan ng Instagram.

“Nag-message siya through Instagram to say sorry,” pahayag ng aktres pero hindi raw niya ito sinagot.

Sinabi rin ng dalaga na hindi pa niya kayang patawarin ngayon ang dating boyfriend pero muling inaming mahal pa rin niya ito.

Mensahe pa niya kay Kit, “Ayusin niya ‘yung buhay niya. Matuto siya sa mga pagkakamaling ginawa niya. Kailangan niya ng tulong, Tito Boy. Promise.

“Kahit masakit ‘yung ginawa niya sa akin pero naiintindihan ko pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit,” pag-amin pa ni Ana.

Nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan na naging support system niya para maibsan kahit paano ang nararamdaman niyang sakit at takot matapos ang nangyari sa kanila ni Kit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kit Thompson (@kitthompson)


“Wala na akong confidence sa sarili ko. Promise. Napapangitan na ako sa sarili ko. Pag tumitingin ako sa salamin, nakikita ko ‘yung nangyari.

“Parang nawala ‘yung Ana na masayahin, friendly. Nawala ‘yung kasiglahan ko,” dagdag pa ng sexy star na nakagawa na rin ng ilang pelikula.

Nauna rito, naikuwento rin ng dalaga ang kumpletong detalye tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Kit bago pa maganap ang pananakit sa kanya sa Tagaytay.

Umiiyak pa ring idinetalye ni Ana kay Tito Boy ang mga naranasan niyang sakit sa piling ng aktor.

Bukas pa rin ang BANDERA sa magiging opisyal na pahayag ni Kit tungkol sa kinasasangkutan niyang kontrobersya.

https://bandera.inquirer.net/309507/ana-jalandoni-inaatake-ng-matinding-trauma-matapos-mabugbog-nag-sorry-sa-pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309322/kit-pinagbantaan-daw-ang-buhay-ni-ana-sabi-niya-akin-ka-lang-hindi-ka-pwedeng-mapunta-sa-iba-akin-ka-lang
https://bandera.inquirer.net/308789/love-story-nina-kit-thompson-at-ana-jalandoni-nagsimula-sa-instagram

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending