Herlene Budol naiyak matapos bumili ng bagong sasakyan
HINDI mapigilan ng TV host-vlogger na si Herlene “Hipon Girl” Budol na maiyak matapos niyang makabili ng kanyang unang sasakyan.
Sa umpisa ng vlog ay makikita na medyo hirap pang magdesisyon ang dalaga kung anong sasakyan ang kanyang bibilhin kaya naman itinakas at inuwi muna niya ang malaking susi para makapag-decide siya kung ano ba talaga ang kanyang kukunin.
Kinabukasan ay muli silang bumalik sa bilihan ng sasakyan dahil finally ay nakapag-decide na si Herlene kung ano ba ang model at kulay na kukuhain niya.
Labis naman ang saya ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino sa kanyang bagong achievement.
Hindi maiwasan na maiyak ni Herlene dahil nakikita na niya kung saan napupunta ang kanyang mga pinaghirapang kitain na pera mula sa pagba-vlog at kanyang mga raket.
“Thank you po! Wala na po akong ibang masabi kundi thank you,” umiiyak na saad ng dalaga.
Dagdag pa niya, “Hindi ko kasi in-expect na magkakaroon ako ng sarili kong sasakyan.”
“Naiiyak siya mga ka-squammy kasi first achievement niya ‘yan tapos syempre, dugo’t pawis niya yan. As in talagang bina-value niya ‘yung pera at saka sobrang happy siya kasi sa tanan ng buhay niya, ‘di raw niya nagawa lahat kaya maganda raw ang pasok ko sa kanya,” kwento naman ni Sir Wil.
View this post on Instagram
Super happy naman ang mga netizens para kay Herlene na unti-unting naabot ang kanyang mga pangarap.
“Deserve mo yan Herlene you’re so pure & genuine. Thank you for the happiness that you share to each & everyone,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa pa, “Ikaw yung masarap suportahan kasi yung pasasalamat mo sa isang tao totoo e, yung mga gamit na napupunta sayo sobrang happy mo.”
“Grabeee! naiiyak din ako sa’yo Herlene. You deserved it girl! You’re also blessed to have your Angel Managers with you. God Bless at galingan mo pa lalo,” sey pa ng isa.
Related Chika:
Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala
Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!
Herlene Budol bumuwelta sa mga ‘golden bashers’; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.