Paulo, Janine unti-unti nang umaamin sa relasyon; may pa-dyowa reveal na pag-uwi ng Pinas? | Bandera

Paulo, Janine unti-unti nang umaamin sa relasyon; may pa-dyowa reveal na pag-uwi ng Pinas?

Reggee Bonoan |March 30,2022
facebook
share this

Paulo, Janine unti-unti nang umaamin sa relasyon; may pa-dyowa reveal na pag-uwi ng Pinas?

Reggee Bonoan - March 30, 2022 - 11:54 AM

Paulo Avelino at Janine Gutierrez may padyowa reveal?

Paulo Avelino at Janine Gutierrez

ANONG dahilan at bakit may “pa-mystery girl” pictorial pa si Paulo Avelino sa babaeng nakatalikod sa beach wearing rubber shoes na ipinost niya sa kanyang Instagram account nitong Martes?

Halata namang si Janine Gutierrez ang nasa litrato at alam ng lahat na magkasama sila bilang guest sa series of concert ni Ogie Alcasid sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento sa IG post ng aktor mula sa netizens at supporters nila.

Sabi ni @herelmary, “WALANG CAPTION CAPTION. THE PHOTO SPEAKS FOR ITSELF!!!!!”

Komento ni @mi.amorie, “Unti-unti nang mag cocome out… yieeehhh.”

Payo naman ni @amy_janoras11, “Enjoy your day Pau and Janine galing naman ng photoprapher yernnn.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paulo Avelino (@pauavelino)


Nakilala naman agad ni @belenhiede ang mystery girl, “Wow kahit nakatalikod napakaganda pa rin ni Idol Janine.”

Mukhang hindi na nga maitatago nina Paulo at Janine ang kanilang sikreto dahil sabi ni @abbymine08, “Omg super keep safe lovers PauNine.”

Ganito rin ang obserbasyon ni @manorazarate, “Natural lng ang galawan pero kilig much na. PauNine.”

Nakilala rin ni @techie353 ang suot na suit ni Janine, “Is that ur suit that she is wearing Pau?? Sweet!!”

Say naman ni @angelicaclarence1102, “Nag uumapaw ng saya ang puso ko nang makita ko to pagkagising ko .. Kahit puyat ako dahil may baby ako pero worth it naman nung nakita ko to.Stay strong po sa inyong dalawa.”

Mensahe ni @enilmil, “Pansinin amg shoes ni Janine sa post nya with bag .white na nike suot nya at suot dyan n shoes.”

Siyempre bago pa ito napansin ng netizen ay nakita na rin namin ang post ni Janine sa kanyang IG na suot ang parehong sneakers.

At napansin nga rin ito ni @chielloo, “Ahh oo nga! same shoes nga #marites.”

Say din ni @theonlykatwoman, “The shoes of the girl in paolo’s post.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan na lang ang mga susunod nilang mga post at tutukan na rin  kung pag-uwi nila sa Pilipinas ay may “dyowa reveal” na sila.

Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Basher basag na naman kay Geneva: Magsusuot ako ng swimsuit sa beach o sa bahay kung gusto ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending