#Tarayarn: ‘Be kind to everyone, including your ex’ hugot ni Ruffa patama nga ba kay Kris?
NANGANGAMOY tarayan at patutsadahan nga ba sa pagitan nina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez nang dahil sa tumatakbong senador na si Herbert Bautista?
Ito’y nag-ugat sa maaanghang na salitang binitiwan ng Queen of All Media laban sa ex-boyfriend niyang si Bistek nang sumampa sa kampanya ni presidential candidate Leni Robredo sa Tarlac.
Sinabi ni Kris sa harap ng audience na huwag daw iboto ang isang niyang ex dahil hindi ito marunong tumupad sa pangako.
“Yung isa nasa Uniteam (nina Bongbong Marcos at Sara Duterte), yung ex,” ani Kris na wala mang pangalang binanggit pero alam naman ng lahat na ang tanging ex-dyowa niya na kabilang sa kalabang partido nina Robredo na Uniteam ay ang dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista.
Patuloy na patutsada ni Kris, “O, wag niyo iboto yun, ha. Sayang ang boto dahil di marunong tumupad sa mga pinangako. Deadma please.”
View this post on Instagram
Ngayong araw naman, nag-tweet at nag-post din sa Instagram si Ruffa na pinaniniwalaan ng mga netizens at “marites” na bwelta niya sa mga pinagsasabi ni Kris.
Sa kanyang IG post, makikita ang video ni Ruffa habang naglalakad at nag-eenjoy sa beach na may caption na, “Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”
Ayon sa mga netizens, siguradong naapektuhan ang aktres sa statement ni Kris kaya talagang sinagot niya ito. Hati naman ang reaksyon ng kanyang social media followers sa kanyang sinabi. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.
“Boom!! sapul sa inggetrang frog..kilala mo na yon!! inggit sa magandang mga karelasyon ng kanyang ex!!”
“Panu magiging kind kung sinaktan ka nang ex?”
“Bitter kasi wala na siguro papatol sa kanya sa ugali nya!”
“I guess it depends especially if the ex gave his word. Don’t promise if you can’t deliver.”
“Wala akong planong iboto siya dati pero ngayon no 1 na Sa balota ko our future senador Herbert bautista… Ang ibinababa siya namn ang itinataas.”
Kamakailan lamang ay ibinandera ni Ruffa ang tunay na relasyon nila ni Herbert sa social media na inilarawan pa niyang “#1 sa puso ko!”
Ang tanong, patulan din kaya ni Kris ang sinasabing patutsada sa kanya ni Ruffa o dededmahin lang niya ito para hindi na humaba pa ang issue. But knowing Kris…let’s wait and see.
https://bandera.inquirer.net/296359/james-todo-emote-may-hugot-nga-ba-sa-para-sa-mga-ex
https://bandera.inquirer.net/305551/heart-nakatapak-ng-poo-poo-ng-aso-habang-rumarampa-so-nangangamoy-ako-sa-fashion-show
https://bandera.inquirer.net/300610/jennica-garcia-alwyn-uytingco-nangangamoy-balikan-na-best-christmas-gift-ever
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.